^

Probinsiya

3 kasapi ng gun-for-hire, napatay

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Dead on the spot ang tatlong suspect na pinaniniwalaang mga miyembro ng isang gun for hire group matapos manlaban sa mga pulis sa inilunsad na operasyon sa Brgy. Gumagadong Calawag, Parang, Maguindanao.

Kinilala ni Parang PNP chief, Police Supt. Ibrahim Jambiran ang mga nasawi na sina Abib Sarotsong, na may standing warrant of arrest kaugnay sa nangyaring patayan sa Matanog; Acero Kibab, na suspek din sa pagpatay sa isang barangay chairman at Todto Pangalian na gumagamit ng iba’t ibang alyas sa kanilang mga iligal na operasyon. 

Nakilala naman ang nakatakas nilang kasamahan na si Gringo Kibab na pinaniniwalaang kapatid ni Acero Kibab.  

Sinabi ni Jambiran, na magsisilbi sana ng warrant of arrest ang Parang-PNP sa mga suspect na  magkakasamang na nakasakay sa isang motorsiklo.  

Sa halip na sumuko ay nanlaban at nakipagbarilan ang mga ito sa mga pulis na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.  

Nabatid na kapwa mga taga Barira, Maguindanao ang tatlo at humigit sampu katao na ang kanilang napapatay sa mga kalapit bayan tulad ng Parang at Matanog.

vuukle comment

POLICE SUPT. IBRAHIM JAMBIRAN

PNP CHIEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with