^

Bansa

Bigyan ni’yo kami ng patas na laban – Leni

Pilipino Star Ngayon
Bigyan ni�yo kami ng patas na laban � Leni
Vice President Leni Robredo went to the Supreme Court in Manila on Thursday, April 19, 2018, accompanying her lawyers, Romulo Macalintal and Maria Bernadette Sardillo, as they filed a motion for reconsideration over the Presidential Electoral Tribunal's decision to implement a 50-percent threshold percentage in the ongoing recount, for the electoral protest filed against her by Bongbong Marcos.
OVP

MANILA, Philippines – Umapela si Bise Presidente Leni Robredo ngayong Huwebes sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na payagan ang hirit nilang panatilihin sa 25 percent ang threshold para sa recount ng 2016 elections.

Nagtungo si Robredo sa Korte Suprema kasama ang kaniyang mga abogado na sina Romulo Macalintal at Bernadette Sardillo.

“The  reason  why  we’re  here  this  morning  is  to  respectfully  file  our motion  for reconsideration. Hinihingi po natin sa korte na i-reconsider iyong kaniyang naging desisyon at ang hinihingi lang naman po natin, bigyan tayo ng patas na laban,” sabi ni Robredo sa kaniyang mga taga-suporta.

“Ang hinihingi po natin, na kung ano iyong batayan noong pagbilang ng mga boto noong eleksyon at kung ano iyong batayan ng pagboto ng lahat ng kandidato, iyon din sana iyong batayan na gamitin sa atin,” dagdag niya.

Nais ni Robredo na ipatupad ang 25 percent threshold at hindi ang 50 percent upang matukoy ang bisa ng mga boto.

Ibiinasura ng PET noong Abril 10 ang naunang hirit ng kampo ni Robredo.

“The Court is not aware of any [Commission on Elections] Resolution that states the applicability of a 25% threshold; and the Tribunal cannot treat the Random Manual Audit Guidelines and Report as proof of the threshold used by the COMELEC,” nakasaad sa resolusyon ng tribunal.

Ayon sa ulat ng STAR, nasa 5,000 boto na ang nawala kay Robredo dahil sa threshold rule.

“Ang dahilan po ng manual counting ng votes ay para malaman iyong katotohanan. At tayo po, mula sa umpisa, binibigay po natin iyong atingtiwala sa  proseso sa  PET.  At  iyon  pong  tiwalang  iyon,  iyon  po  iyong pinanghahawakan natin, na ito iyong magbibigay sa atin ng katotohanan,” patuloy ni Robredo.

Tumanggi nang talakayin pa ni Robredo ang tungkol sa kanilang apela dahil ipinagbabawal ito ng korte.

Nagsimula ang recount nitong Abril 2 na nag-ugat sa protesta ng natalong si dating Sen. Bongbong Marcos.

Binibilang ngayon ang mga boto sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental kung saan ito ang magiging batayan kung ipagpapatuloy ang recount sa buong bansa.

“Ang hiniling natin na mabilang nang tama iyong inyong mga boto at ito po iyong ipinaglalaban natin ngayon.”

 

vuukle comment

COMELEC

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

RECOUNT

VICE PRESIDENT LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with