^

Pang Movies

Tom simpleng kasal lang ang plano kay Carla!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Tom simpleng kasal lang ang plano kay Carla!
Tom & Carla

Simple and intimate ang gustong wedding ni Tom Rodriguez. “Basta ang importante, kasama ako at ako lang ang nakatayo roon (sa altar),” pahayag ni Tom sa presscon ng bagong series sa GM na The Cure.

Nitong nakaraang mga araw, nag-emote ang girlfriend na si Carla Abellana sa kanyang Instagram na may kinalaman sa pagkawala ng kanyang hard-earned money.

“Grabe! Pressured lang siya kasi she really invested a lot in different businesses. Kasi we’re trying to expedite where we want. Siyempre, it’s not an easy thing. We’re learning along the way

“Bilib na bilib ako sa kanya kung gaano siya katutok. Kung gaano siya ka-organize. She calculates everything. Kung ano ang ginagawa ng accountant, she double checks everything. Hindi siya mapapakali hanggang hindi niya manually ika-calculate sa calculator,” paliwanag ng boyfriend ni Carla.

Mga baguhan din daw kasi ang ilang namamahala sa business ni Carla. “We only found out when it’s there na.

“One thing I could say is she’s very capable in person. She doesn’t seem to think so. Hindi siya naniniwala kung gaano siya ka-capable, kagaling. She always downs herself kaya siguro lagi siyang nagdu-double check.

“I know that she’s capable and these things she’s working hard for are gonna pay off,” dagdag pa ng aktor.

Sa bagong series, si Jennylyn Mercado ang kapareha niya. Maaksyon ang role niya kaya bawas ang romansahan nila ni Jen kumpara sa huli nilang ginawa ni Lovi Poe ang Someone To Watch Over Me na umaapoy ang halikan at lampungan nila ng Primera Aktres.

So walang pagseselosan si Carla?

“Wala siguro. Mas may pagseselosan pa siya sa ibang project na nagawa ko. Hindi siya nagselos. Dito pa kaya? Ha! Ha! Ha!

“Hindi selosa si Carla so I’m so lucky! Please don’t change! Ha! Ha! Ha! I promise I’ll never give you a reason!” diin ni Tom.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with