^

PSN Showbiz

Sikat na young actress na-good karma sa male personality na hanggang langit ang kayabangan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag may bumabanggit ng pangalan ng isang male personality na matagal nang kinalimutan ng panahon ay parang nakakakita ng multo ang isang pamosong young actress-singer.

?Napapasigaw siya. Para siyang kinikilabutan. Napapatili siya ng NO! Ayaw na ayaw na niyang naririnig ang pangalan ng lalaking personalidad na hanggang langit ang kayabangan.

?Matagal din kasi silang nagkasama sa isang talent search, sa umpisa pa lang ay ramdam na ng girl na maangas ang male personality, kaya kundi lang dahil sa utos ng kanilang mga ehekutibo ay talagang isinusuka niya ang ugali ng lalaki.

?Kuwento ng aming source, “E, napaka-humble pa naman ng girl, di ba? Walang masamang tinapay para sa kanya. Pinakikisamahan niya ang lahat, kaya naman naging darling siya ng mga kababayan natin.

?“Madali siyang pakisamahan, mahal siya ng mga co-stars niya, pero paminsan-minsan, e, meron din siyang tantrums na ine-enjoy naman ng mga kasamahan niya na naaaliw sa kanya.

?“Ayaw niya du’n sa lalaking ipinapareha sa kanya. Palagi niyang sinasabi sa mga boss na iba na lang, huwag na ‘yung guy, dahil sobrang nayayabangan siya. Ibang kapareha ang gusto niya,” pag-alala ng aming source.

?Fast forward na tayo. Nu’ng medyo lumalamlam na ang popularidad ng girl ay nagpaalam muna siya sa mga nagmamahal niyang fans. Uuwi raw muna siya sa bansang pinagmulan niya.

?“Mali ang akala ng marami na mawawala na siya sa limelight dahil habang nandu’n pala siya sa inuwian niyang country, e, nag-audition siya para sa isang grupo. Pasok sa banga ang girl! Mas lumaki pa ang name niya dahil sikat na sikat ang grupong tumanggap sa kanya.

?“E, nasaan na ang lalaking ayaw na ayaw niyang marinig ang name? May nangyari ba sa career niya? May maganda bang naging product ang kayabangan niya?

?“Waley! Ang girl ang mas sumikat pa ngayon, kaliwa’t kanan ang raket niya sa buong mundo. Ang nagagawa nga naman ng pagiging humble at totoo sa sarili niya at sa mundo.

?“Burado na sa kanyang utak nu’n pa ang guy na ayaw na ayaw niyang naririnig ang pangalan! Buti nga sa kanya!” pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Nadine parang si Marian!

Wala na talagang ligtas ngayon sa social media. Lahat ng kilos ng artista ay puwede nang kunan ng kahit sino at basta i-post. Pagkatapos nu’n ay kaliwa’t kanang pamba-bash na ang kasunod, ang pagpipista kung saan masasakit na komento ang tinatanggap ng personalidad, wala siyang kalaban-laban kapag ganu’n.

?Ang pinagpipistahan ngayon ay ang pagtabig ni Nadine Lustre sa isang fan na nakikipag-selfie sa kanyang boyfriend na si James Reid. Malinaw ang video. Grabe ang panglilibak kay Nadine ng mga bashers, parang wala nang bukas pa para sa sexy young actress, ikinukumpara pa siya ngayon kay Marian Rivera na reyna rin ng pagiging selosa.

?Kung ayaw raw ni Nadine na may mga nagpapakuha ng picture sa kanyang boyfriend ay huwag na lang kasi silang lumalabas. Pampublikong lugar ang bar, napakaraming naglilibang-umiinom, kaya natural lang na makakuha ng atraksiyon at atensiyon ang isang guwapo at sikat na personalidad na tulad ni James.

?Sa tagal na raw ng kanilang relasyon, ayon pa sa mga umuupak sa kanya sa social media, ay wala pa ring tiwala si Nadine sa kanyang sarili. Ang ugat daw ng selos ay insecurity, kaya kapag pinalilibutan na ng mga babae si James, ay umaariba ang kanyang pagseselos, ang dahilan kung bakit niya tinabig ang babaeng nakikipag-selfie sa kanyang boyfriend.

?Pero parang hindi naman dapat ikumpara si Nadine kay Marian. Wala pa namang babaeng ikinukulong sa CR ang dalaga para komprontahin at sabihang “Hindi ka maganda, maputi ka lang!”

?Wala pa naman siyang sinisitang personality para layuan ang kanyang boyfriend, hanggang selos-selos lang naman ang nagagawa ni Nadine, pero minarkahan na rin ng publiko ang pananabig niya sa fan.

?Hindi pa naaabot ni Nadine Lustre ang level ng pagiging selosa ni Marian Rivera na kahit sinong babaeng nakaka-close ni Dingdong Dantes ay basta na lang inaaway nang wala sa tiyempo at katwiran.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with