^

Probinsiya

Ama inutas ng anak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 60-anyos na ama sa kamay ng sarili niyang anak matapos siyang pagtatagain nito makaraan na magtalo habang nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay sa Purok 6, Brgy. Pambuhan sa bayan ng Mercedez, Cam Norte kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Cam Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet pero idineklarang patay ang biktimang si Efren Hutalla Sr. habang agad namang naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Fernando Hutalla, 23-anyos pawang residente ng nasabing barangay.

Sa police report na naka­rating sa Camp Gen.Simeon Ola, dakong alas-7:30 ng gabi, nag-iinuman ang mag-ama kasama ang ilang kamag-anak at kapitbahay ng biglang magkaroon nang pagtatalo ang dalawa. 

Gayunman, sa gitna nang mainit na pagtatalo ng mag-ama biglang kumuha ng tabak ang suspek at pinagtataga sa ibat ibang bahagi ng katawan ang kanyang tatay dahilan para mamatay noon din.

Sinampahan nang kasong parricide ang suspek na labis ang pagsisisi sa nagawang pamamaslang sa sariling ama.

vuukle comment

MAN STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with