^

Probinsiya

60-anyos magsasaka binoga

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Nasawi ang isang 60-anyos na lolo na magsasaka matapos siyang barilin ng ‘di pa natutukoy na gunman naganap sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Pinambaran sa bayan ng San Miguel, kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa pagamutan ngunit nalagutan din ng hininga habang ginagamot ang biktimang si Juan Santos.

Sa im­bestigasyon ni SPO1 Virgilio Manuzon Jr. dakong alas-10:40 ng gabi, kakapasok lang umano ng biktima sa tarangkahan ng kanyang bahay nang biglang sumulpot ang salarin sa kanyang likuran at malapitan siyang pinaputukan nang dalawang beses sa kanyang ulo. 

Bumagsak sa lupa na tigmak sa sariling dugo ang biktima habang mabilis namang tumakas ang salarin matapos ang pamamaslang.

Narekober sa lugar ang dalawang basyo ng bala mula sa isang .30 carbine rifle habang hindi na nagawa pang sumailalim sa pagsisiyasat ng SOCO ang lugar ng insidente matapos na mapagalamang nilinis ng ilang residente ang crime scene na tutulong sana sa paglutas ng krimen.

SHOT DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with