Pangalawang Anino (420)
NAGLALAKAD ang prinsepe ng kadiliman.
May usok na lumitaw sa kanyang harapan.
“Ama!”
“Mabuti naman at kilala mo pa ako, Luciferio!”
Alam ng prinsepe na hindi dadating ang kanyang ama sa harapan niya mismo kapag hindi napakaimportante ang kailangan nito.
“Bakit, ama? Ano ang dapat mong sabihin?”
“O gawin!” Bumagsik ang mga mata ng hari ng kadiliman.
At biglang sinuntok nang malakas ang anak.
Hindi iyon nakayanan ng prinsepe. Bumulagta at nawalan ng malay.
Pero hindi papayag ang hari ng kadiliman na ganoon lang.
Itinutok ang kamay sa prinsepe.
Bumuga ng mga mapupulang sinag ang mga ito at tumama sa katawan ni Lucifereo.
Nagising si Lucifereo sa sakit.
Nagsisisigaw. “AAAAAAHHHHHH!”
Nangingisay-ngisay ang prinsepe.
Mahapdi, masakit, namimilipit siya.
“Utang na loob aking ama! Tama naaaa!”
“Walanghiya ka. Sinusuway mo na ako!” Pero tinigilan naman ng hari ng kadiliman ang pananakit sa sariling anak.
“Tumayo ka riyan! Kundi higit pa ang patatamain ko sa katawan mo!”
Kahit namimilipit pa rin sa sakit tumayo na si Luciferio. “Bakit ba? Ano ba’ng kasalanan ko?”
“Hindi mo alam? Nai-in-love ka kay Nanette, ano?!”
Natigilan si Lucifereo, nag-deny. “Gusto ko lang siyang lokohin at saktan. Ano ba’ng pinagsasabi ninyo riyan?”
“Tarantado ka, suwail at sinungaling pa!” At biglang kumumpas ang hari ng kadiliman.
Naging baboy-ramo ang kanyang anak.
Sa ganyang itsura ka muna magpagala-gala sa lupang ito. Tingnan natin kung may magkakagusto sa iyo!” Itutuloy
- Latest