^

Kutob

April 16, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) –  Maging tapat at huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung malungkot o nasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Hindi kailan man mabuti ang mabuhay sa pagkukunwari, dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 30, 42 at indigo.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Manatiling mahinahon at kalmado. Ang labis na pagka-taranta o pagmamadali lalo magdudulot ng abala o kapalpakan. Ayusin ang suliranin sa mahinahong paraan. Maaayos ang problema. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 26, 30 at strawberry red.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Pairalin ang isip at hindi ang emosyon. Balanseng gamitin ang puso at isip para makamit ang minimithi. Iwasan na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan, dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Kung selos ang pag-aawayan, malamang humantong sa hiwalayan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 20, 34, 41 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Pinakamabisang paraan para mapaglabanan ang takot ay magkaroon ng positibong isip. Tiwala sa sarili ang kailangan ngayon. Kahit ano ang mangyari, magiging maayos ang resulta ng ginagawa kung may tiwala sa sarili. Kayang harapin ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 25, 34 at blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Magandang balita ang matatanggap at tiyak masaya sa buong maghapon. Isang Gemini ang magbibigay kasiyahan. Mag-ingat sa Virgo o kapwa Leo dahil maaaring problema o kalungkutan ang hatid niya sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 25, 31 at burgundy.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung may problema pilitin lutasin ng mag-isa dahil walang tulong maasahan mula sa iba. Huwag igiit ang gusto dahil magiging mali ang iyong opinyon o pagpili ng panig. Maaaring ang hindi nakakatakot sa iba ay nakakatakot sa iyo, maging positibo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 24, 39 at gray. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – May kalituhan ka ngayon kaya dapat isiping mabuti kung ano ang gustong gawin. Isa-isahin ang hakbang hanggang makamit ang gusto. Konsultahin ang kaibigan, kasambahay o magulang tungkol sa binabalak kung may alinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 34, 41 at neon green.

SCORPPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kabaligtaran ang mangyayari. Ang inaakalang tama ay magiging mali. Dahil sa mataas ang pride, ayaw patalo kahit wala sa katuwiran. Tanggapin kung alam sa sarili na nagkamali. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 42 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ang gawain ay tiyak na may magandang resulta. Iwasan ang magtaray dahil sa halip na maging kaibigan ay siya pang magiging kaaway. Kung ayaw mawalan ng pera ang bulsa, iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 39, 40 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Marunong ka ngayon makisama at mapagbigay. Ang ugaling ito ang gusto ng mga kaibigan o kasamahan. Panahon ng pagbago sa ugaling masungit, makasarili at tsismosa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 35, 40 at white.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Isang tawag ang magpasaya at magpapaganda ng mood. Huwag mahiyang magsabi kung may problema. Lalo kang hahangaan kung magiging bukas at tapat. Ang sikreto ay malamang na mabulgar. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 34, 40 at jade green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Ang akalang kay hirap na gawain ay malalamang madali at napakagaan. Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang trabaho at makikita na magiging masaya ang bawat saglit. Maipapakita ang kahusayan sa pag-gawa na hahangaan ng kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 23, 37 at orange.

vuukle comment

HOROSCOPE APRIL 16 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with