^

PSN Showbiz

Sa rami ng ipon, John Lloyd kaya rin daw magpatayo ng resto, hotel, at mall

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Sa rami ng ipon,  John Lloyd kaya rin daw magpatayo ng resto,  hotel, at mall

Marami ang natutuwa na kahit talikuran ni John Lloyd Cruz ang kanyang pag-aartista ay hindi naman siya ma­­dedehado sa kabuhayan. Marami naman si­guro siyang ipon kung kaya magagawa niyang makapagpatayo ng isang restaurant, hotel at mall.  Sa dami ng fans niya walang hindi naghahangad na mapabuti ang buhay niya kahit wala na siya sa showbiz. Sa tulong naman ng may ka­yang pamilya ni Ellen Adarna ay mabibigyan sila ng malakas na back-up kundi man sa datung ay sa mga payong pangnegosyo.

Alice nilayasan ang Probinsyano, biyaheng Iceland kasama si Aga

Buti na lang at pinayagan ng produksyon ng FPJ’s Ang Probin­syano na mag-leave of absence si Alice Dixson sa serye. Med­yo malalagay sa alanganin ang kuwento na ang pamilya ng role niya na pinamumuuan ng pangalawang pangulo at ang pamilya ng pangu­lo ang pangunahing magkatunggali.

Makulay ang role niya bilang kontrabida ng first lady na gina­gampanan ni Dawn Zulueta at ex ng pangulo. Pero, baka naman nakapag-advance taping siya kaya maluwag siyang pinayagan na mag-leave para makapag-shoot ng isang movie sa Iceland. The film may bring her to a new and exci­ting location at makakapareha si Aga Muhlach pero, hindi mapasusubalian na maganda ang role niya sa AP at nakakahinayang na palampasin ito.

Gabbi at Ruru nagpalamig sa bagong TVC

Trending agad agad ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa bagong TV commercial nila with McDo kung saan nagpalamig muna sila from the intense summer heat. Refreshing at perfect para sa ka­nila ang commercial na ito. Sinabi ni Ruru na very supportive sila ni Gabbi with each other at very thankful sila sa suporta na binibigay ng fans sa kabila nang wala na si Gabbi sa Sherlock Jr.

Samantala, sinabi ng aktor na mara­mi pang maaaksyon at exciting na mga ekse­nang dapat abangan sa na­lalapit na pagtatapos ng Sherlock, Jr. Sa katu­nayan nga, may isang twist daw na ikakagulat ng lahat.

Grade 10 student napiling mag-perform sa WCOPA

Hindi umasam ng kabiguan si Hannah Joy Magdales nang sumubok siya na mag-audition para sa international performing arts competition na taun-taon ay ginaganap sa America at taun-taon din ay mara­ming sumasaling Pinoy ang nagwawagi.

Agad siyang napili ng mga hurado na kina­bi­bilangan nina Jed Ma­dela at Rap Salazar para maging Philippine represen­tative sa World Championship of Perfor­ming Arts (WCOPA) na magaganap sa Long Beach, California at ta­tampukan ng mga kalahok mula sa 50 mga bansa.

Mapalad si Hannah dahil nagagawa niyang ma­pagsabay ang kanyang pagkanta at pag-aaral nang hindi nasasakripisyo ang kan­yang pagiging no. 1 hindi lamang sa kanyang klase kundi sa buong University of Perpetual Help System Dalta sa Las Piñas City. Tumatayo siyang pangulo ng Supreme Student Council (SSC), nasa grade 10 siya.

Para mapunan ang kanyang pangangailangan sa pagsali sa WCOPA, magdaraos siya ng isang fund­raising concert sa May  20, 2018. Magaganap ito sa Southville International School auditorium ka­sama sina Kiray Celis, Amy Nobleza at Mica Becerro. Nakagawa na ng isang album ang bagets na hindi bibitawan ang kanyang pagkanta, lalo na ang kanyang pag-aaral.

Almira Muhlach kumikita sa pagmi-make up

Isa sa nakita naming muli sa launch ng anak nina Tacloban Mayor Cristina Gonzales Romualdez at former-mayor Alfred Romualdez na si Sofia Romualdez ay si Almira Muhlach. Maganda pa rin ang may 40 years old and more na artista. Nag-aartista pa rin si Almira bagaman at ang pinagkakakitaan niya ngayon ay ang pagiging make-up artist. May serye siya na ginagawa sa Kapamilya Network.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with