^

Probinsiya

‘Tulak’ dedo sa buy-bust

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumulagta noon din ang isang lalaking sinasabing notoryus na tulak ng marijuana matapos na kumasa ito sa pulisya sa isinagawang buy-bust ope­ration sa isang bahagi ng Brgy. Masuso sabayan ng Pandi, Bulacan, Biyernes ng gabi. 

Kasalukuyan pang ina­alam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nasawing suspek na may alyas lamang sa “Nognog”, nasa hustong gulang at nakumpirmang patuloy na nagbebenta ng droga sa naturang lugar. 

Sa ulat ni P/CInsp. Ma­nuel De Vera ng Pandi PNP, dakong alas 9:00 ng gabi ay nakipagkita ang isang poseur buyer na pulis sa suspek upang bumili ng droga. 

Habang nag-aabutan ang magkabilang panig ay nakahalata ang supek na pulis ang kanyang katransaksyon dahilan upang bumunot ito ng baril subalit naunahan siyang putukan ng pulisya na nagresulta sa kanyang kamatayan. 

Narekober sa lugar ng insidente ang 4 na pakete ng marijuana, isang 9mm na baril, mga bala at P300 marked money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

BUY-BUST OPE­RATION

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with