^

Pang Movies

Young female starlet, sobrang papansin sa aktor na may karelasyon na!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ang sarap bigyan ng mag-asawang sampal para magising at matauhan ang isang young female starlet. Ok naman ang kanyang fez value at baka nga sa sobrang kaartehan niya ay maging daan para sumikat. Kasi sobrang landi at arte kung kumilos, malakas tumawa, malakas magsalita, tipong papansin lalo na at around ang aktor na tipo niya.

‘Yung aktor naman mahilig kumain, E, taken na ang aktor. Beauty Queen kaya ang jowa niya. Papansin pa more girl! hmmmpt! Landi!

HIV may hinawahan

Tama ba mga ka friendship na doctor, na ang HIV ay hindi nakakahawa. Kahit na mapatabi ka sa may kontroberyal na sakit. Mahahawa ka lang kung ikaw ay nakipagtalik sa may sakit na ganito. Pati pakiki­paghalikan at ang laway nito ay ma­lunok mo, or kinagat mo ang taong walang mikrobyo ng HIV. Katulad nang kinagat ni Yasmien Kurdi si Jackie Rice sa isang action scene nila sa TV series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Ganda ng takbo ng istorya ng said afternoon series.

Oh, hayan, lalaki na naman ang dahilan ng away. Ok na rin ang akting ni Mike Tan na dati di ako kumbinsido sa akting niya, ma­lamya!

Ok na Ok si Direk Gina Alajar, ang Star Awards (PMPC-2018) Lifetime Achievement Awardee sa Movies. Ganoon din ang ibang co-stars ng series.

Glydel nagpasalamat na kumikita na uli

Very thankful si Glydel Mercado sa napakagandang role na ginagampanan niya sa isang TV series entitled The Stepdaughters sa GMA7. Matagal daw siyang nag-laylow at naging plain housewife na lang kay Tonton Gutierrez at ang ipinagpapasalamat niya pati si Tonton ay mayroon ding show - na gabi-gabi ay napapanood (Monday - Friday) sa Sherlock Jr.  bilang gobernador ng kanyang bayan, with Ruru Madrid, Ai Ai delas Alas at iba pa.

Kung sabagay, wala pa ring kupas si Tonton, pagdating sa akting at so so handsome pa rin.

Sa totoo lang, nakita ko na ang bird ni Tonton noong bata pa siya, habang pinaliliguan ng kanyang Yaya. Wala po akong malisya noon dahil bata pa si Tonton at wala pang muwang.Sabi ni Glydel, blessing na rin sa kanilang pamilya na mayroon silang pinagkakakitaan, kahit na mayroon naman silang naisubi for the rainy season. Iba pa rin ‘yung may trabaho, income at business.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with