^

PSN Palaro

Muntinlupa, Batangas may bagong depensa

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

 Laro Ngayon(Batangas City Coliseum)

7 p.m.  Batangas  vs   Muntinlupa 

MANILA, Philippines — Higit pang pahihigpitin ng Batangas ang kanilang depensa, habang malaking adjustment ang inasahang gagawin ng Muntilupa sa muli nilang paghaharap sa Game 2 ng best-of-five championship series nga­yon sa inaugural staging ng  2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup sa Batangas City Coliseum.

Nagwagi ang Batangas Athletics, 70-64 kontra sa Muntinlupa Cagers sa Game 1 noong Huwebes ng gabi, kaya asahang panibagong game plan ang ilalabas nina sina coach Mac Tan  at coach Aldrin Morante sa kanilang engkuwentro sa alas-7 ng gabi.

“We want to lead 2-0 before the series shift to their home court on Tuesday. At least dito sa amin ‘yung crowd ay mala­king tulong to inspire our pla­yers,” sabi ni Tan na nanatiling wala pang talo sa kanilang home game.

Tumabla ang Batangas 64-64 bago ang 4-0 run arangkada ni Teytey Teodoro sa huling 69 segundo tungo sa malaking panalo na nagbigay sa kanila ng momentum sa serye.

Ang dating Jose Rizal Heavy Bombers na si Teodoro ay umani ng 20 puntos na may kasamang apat na assists at tatlong rebounds off the bench para pangunahan ang panalo ng Batangas.

“I have no excuses, but you know we have only a day to prepare for Game 1 in the finals. Kaya medyo kulang pa talaga ang aming preparation,” ayon naman kay coach Aldrin Morante.

Si Val Acuña ay nag-ambag din ng 14 puntos, apat na rebounds at apat na assists kabilang na ang back-to-back jumpers sa kanilang third quarter breakaway.

“Kailangan naming mag-adjust sa depensa. ‘Yun talaga ang dahilan kaya naiwanan kami agad sa first period. Mayroon naman kasi silang malalaki, so we have to adjust on that,” dagdag ni Tan.

Umiskor ng 12 si Dave Moralde habang si Allan Mangahas ay tumulong ng 11 para sa Muntinlupa.

vuukle comment

2018 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE ANTA RAJAH CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with