^

Metro

Holdaper patay sa shootout

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Holdaper patay sa shootout
Tinitignan ng isang pulis ang bangkay ng isang hinihinalang holdaper na napatay sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad sa Malate, Manila kahapon.
Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Isang hinihinalang holdaper ang napatay habang sugatan naman ang isang pulis matapos magkabarilan kahapon ng madaling araw sa Estrada St. kanto ng Taal St., Malate, Maynila.

Ayon sa mga pulis, nakasuot ng asul na t-shirt, maong na pantalon at sandals ang hindi pa nakikilalang suspek. 

Sugatan naman sa hita si PO1 John Rupert Agustin matapos na makipagbarilan sa suspek.  

Nabatid kay Chief Insp. Paulito Sabulao, hepe ng Arellano PCP, naglatag ng checkpoint ang mga otoridad sa P. Ocampo St. pasado alas-10:00 ng gabi malapit sa Arellano St. at nang mag-a-alas-2:00 ng madaling araw ay nakitang umiwas ang limang lalaki na pawang magkakaangkas sa dalawang motorsiklo. Hinabol sila ng mga pulis at nang sumapit ng Estrada St. kanto ng Taal St. ay doon na nagkaputukan.  Tinamaan ang isa sa mga suspek habang tumakas ang iba pa. Sa paghabol ng mga pulis sa mga tumakas na suspek ay doon naman tinamaan ng bala ng baril sa hita si Agustin. 

Sinabi ni  Brgy. 752 Chairman Francis Villegas na posibleng may kinalaman ang lalaki sa mga insidente ng holdapan at snatching sa kanilang lugar.

vuukle comment

HOLDAPER SHOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with