^

Probinsiya

3 patay sa road mishap

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

5 pa sugatan

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong katao habang lima naman ang sugatan sa naganap na salpukan ng isang motorsiklong habal-habal at kotse sa Cogon, Kapatagan Provincial Road, Binaton, sa Digos City, Davao del Sur, kamakalawa ng umaga. 

Kinilala ang mga nasawing biktama na pawang mga sakay ng habal-habal na sina Helen Langa Mendoza, 54-anyos at Julito Rolloque Garrido, 55 taong gulang na kapwa dead-on-the-spot habang nalagutan ng hininga bago pa man dumating sa pagamutan ang driver na si Paul Angelo Panes, 27-anyos.

Sugatan naman ang dalawa pang pasahero nito na magkapatid at kinilalang sina Junrey, 10-anyos at Jayrolden Bangay, 15-anyos, habang nagtamo rin ng sugat ang mga pasahero ng kotse na sina Catherine Bayona, 37, Rhian Bayona, 3-anyos, at Frea Layaga, 17.

Sa imbestigasyon, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente.

Nabatid na nawalan ng preno ang kotse na minamaneho ni Ian Jose Hapol Bayona dahilan para mawalan ito ng kontrol kung saan dumiretso at sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakasalpok sa kasalubong na habal-habal ay tumilapon ang mga sakay nito dahilan upang masawi noon din sina Mendoza at Garrido habang dead-on-arrival naman sa pagamutan si Panes at masugatan ang magkapatid na Bangay, at ang tatlo pang sakay ng kotse.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insi­dente.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with