^

Pang Movies

Dennis at Jennylyn, engaged na?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dennis at Jennylyn, engaged na?!
DenJen

Na-excite ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado nang mag-post sa Instagram wall niya si Dennis na twinning sila ni Jen ng watch, shoes and pants pero mas napansin ay ang suot na rings ni Jen, kung engagement and wedding rings na raw ba iyon.

Kanya-kanyang reaction ang fans. Magkasama sina Dennis at Jennylyn sa katatapos na successful Sikat Ka Kapuso shows sa New Jersey USA at sa Toronto, Canada last weekend.

Citizen Jake wala pa ring commercial screening

Wala pa ring commercial screening ang Citizen Jake movie ni Atom Araullo, kaya nag-post lamang siya para raw sa mga nasa area lamang sa Los Baños, Laguna, na may public screening ang movie na dinirek ni Mike de Leon, bukas, April 13 sa University of the Philippines Los Baños at 7:00 PM. Sponsored ito ng UP UPSILON Sigma Phi.

Hindi maipalalabas ang movie in commercial theaters dahil ayaw ni Direk Mike de Leon na idaan ito sa MTRCB, ayaw niyang maputulan ang mga eksenang ginawa niya.

Marvin nagdarasal sa unang dinirek

Natupad na rin ang dream ni Marvin Agustin na makapagdirek ng isang TV series, nang siya ang inatasan ng GMA 7 na idirek ang The Wilodia Story, ang love story nina Will Dasovich at Alodia Gosiengfiao na sina Tom Rodriguez at Janine Gutierrez ang gaganap sa characters nila.  Nag-tweet si Marvin sa mga netizens na humihingi siya ng prayers.

Si Marvin ay kumuha ng short film direction sa New York.

Gabby kinayang magpatawa

Ita-try naman ni Gabby Concepcion ang TV hosting after ng sunud-sunod na raket niya nang matapos na ang pinag-usapang afternoon prime drama series na Ika-6 Na Utos sa GMA 7.  

Magaling na ang paa niyang nasugatan nang nabasag sa paa niya ang isang water glass, naka-attend na nga siya ng Gabay Guro celebration sa Butuan City Agusan del Norte kasama sina Marian Rivera, Mark Bautista, Christian Bautista, Jona, upon the invitation of Ms. Chaye Revilla, head ng Gabay Guro Foundation.

Special guest bluffer din si Gabby sa comedy game show na Celebrity Bluff ni Eugene Domingo, at nag-taping na siya para sa two episodes nito, na mapapanood na sa Saturday, April 14 at sa susunod na Saturday, April 21, after ng Magpakailanman. Nag-enjoy ang audience sa mga kakengkoyan ni Gabby, na forte naman nito, kahit nga isa siyang mahusay na drama actor, kayang-kaya rin niyang magpatawa.

Sa ngayon ay inihahanda na ng GMA 7 ang susunod na project ni Gabby sa kanila.

Napapanood namang umaarte si Marvin gabi-gabi sa Kambal Karibal, after ng Sherlock Jr.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with