^

Pang Movies

Derek ayaw pang tumanggap ng bagong trabaho!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nagpaalam na si Derek Ramsay sa TV5 network na 6 years din niyang naging bahay matapos siyang umalis sa ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram post last Tuesday, nag-post na siya ng kanyang farewell message sa Kapatid network at nagpasalamat sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.

Sa comments section ay marami ang nagtatanong kung magbabalik-Kapamilya na raw ba siya at ang iba nama’y parang sigurado nang sa ABS-CBN siya ulit.

Nag-direct message kami kay Derek and asked him kung totoo bang balik Kapamilya na siya. Sumagot naman ang aktor.

“Nope,” he replied.

Sinundan pa namin ito ng tanong kung ano ang plano niya ngayon at kung may offer ba ang ABS-CBN.

“Yes, may offers but no plans yet,” ang reply niya ulit.

Sa loob ng six years ay mara­mi-rami ring nagawang shows si Derek sa TV5 kabilang na nga ang Kidlat noong 2013, Amazing Race, Undercover, Mac & Chiz, For Love or Money at Extreme Series: Kaya Mo Ba To?

May ginagawa siyang pelikula ngayon under Star Cinema with Bea Alonzo and Paulo Avelino titled Kasal mula sa direksyon ni Ruel S. Bayani.

Pero bago pa ito ay matagal na rin namang nagbalik sa Star Cinema ang aktor. Napanood siya sa Etiquette for Mistresses and All You Need si Pag-ibig noong 2015 mula sa film arm ng ABS-CBN.

Papansin?

Angeline planado ang pagsakay sa maling van!

Sobrang nakakatawa ang ipinost na short vi­deo ni Angeline Quinto kung saan ay makikitang nagkamali siya ng pagsakay sa isang van na akala niya ay kanya. It turned out na van pala iyon ni Vice Ganda dahil itinag niya ito sa caption niya.

“Ito na yata ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Sa may ari nitong sasakyan pasensya napo. @praybeytbenjamin,” ang caption ni Angeline.

Sa clip ay makikitang basta na lang sumakay si Angeline sa isang van at nagulat siya nang pagsakay niya ay hindi pala ito sa kanya.

Sey ng kasama niya, “hindi yata ito sa ‘yo.” Sagot naman niya, “hindi ba ako dito? Kulay itim ‘yung sasakyan ko.”

Sagot naman ng kasama niya, “kulay-puti ‘yung sa ‘yo!” sabay hila sa kanya.

Sey pa ng kasama niya, “nakakahiya ka.”

Panay naman ang sorry ni Angeline sa camera, “sorry po, sorry. Dito kasi pumarada, akala ko dito.”

Sa comments section ay panay tawa ang mababasa mong komento ng netizens. Ang daming nakyutan sa singer at say nila, komedyante raw talaga ito.

May nagsabi namang scripted daw ang vid dahil nga may kumukuha sa kanya.

Ganunpaman, sey ng iba, scripted man or hindi, nakakatawa raw si Angge.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with