^

PSN Showbiz

Komedyante napapayag kumandidato sa Bicol kapalit ng malaking datung!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

PIK: All-out ang suporta ng fans nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa premiere night ng pelikulang Almost A love Story na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall nung isang gabi.

Hindi lang ang fans kundi ang Sunday Pinasaya family ni Barbie na sina Marian Rivera-Dantes, AiAi delas Alas-Sibayan, Gladys Guevarra at production staff

“Nakakataba ng puso kasi siyempre busy naman lahat ng tao, lalo na si Ms.Marian, si Ms. AiAi pero nag-effort sila para magpunta rito. Pati ang staff, kaya maraming-maraming salamat po,” masayang pahayag ni Barbie.

Ngayong araw na ang showing ng naturang pelikula at aminado si Barbie na medyo kabado siya, pero very hopeful naman si Derrick na magustuhan ito ng mga tao, kagaya nang pagkagusto nila.

Ani Barbie, “May kaba siyempre dahil marami rin kaming kasabay na ipapalabas, pero more than that, sobrang saya namin, sobrang excited namin dahil yung pinaghirapan naming pelikula eh worth it naman. Napatunayan namin yun tonight.”

Dagdag ni Derrick, “I’m looking forward na magustuhan ng mga tao kagaya

nang pagkagusto namin. Mas excited po ako kesa sa kinakabahan.”

Tuwang-tuwa namang ikinuwento ni Ms. Baby Go ng BG International Production na pagkatapos ng showing dito sa atin, ipalalabas na ito sa Hong Kong at sa Salento, Italy.

PAK: Nagulat kami sa kuwentong nagpa-rehistro ang isang male comedian sa isang bayan sa Bicol gayung hindi naman siya tagaroon.

Ang kuwentong nakarating sa amin, kinagat ni komedyante ang alok ng isang influential politician na tumakbo para kalabanin ang mahigpit na katunggali sa darating na eleksyon.

May datung kasing katapat, at bilang may ma­tinding pangangailangan si komedyante, pinatulan na niya ito. Pero nag-aalala ang mga close friend ng komedyante dahil baka ang ending pababayaan din daw ito ng influential politician kagaya nang ginawa niya sa isang sikat na aktor na napabayaan lang pagkatapos matalo sa eleksyon.

Kaya isinumpa na ng sikat na aktor na iyun ang pulitika dahil sa bangungot na inabot niya sa influential politician.

BOOM: Wala pa naman daw alok ang ABS-CBN 2 o ano mang TV network kay Derek Ramsay pagkatapos niyang magpaalam sa TV5 nung natapos ang exclusive contract niya kamakalawa lang sabi ng manager ni Derek na si Jojie Dingcong kaya sa movies daw muna mag-concentrate ang dating Kapatid actor.

May movie contract daw ito sa Star Cinema at gagawin daw muna niya ang Kasal kasama si Bea Alonzo.

“For now movie muna kami…he has 5 movie commitments na nakapila pa. Let’s wait and see if may offer ang TV,” bahagi ng text sa amin ni Jojie.

“TV offers darating yan…I think malapit na,” dagdag pa niyang text sa amin.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with