^

Dr. Love

Nadenggoy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Let me first introduce myself to you, but please hide my true identity. Itago mo na lang ako sa pa-ngalang Violet, 27 anyos at isang ginang ng tahanan.

Nagtatrabaho sa ibang bansa ang aking mister and he has been away for three years. Dahil sa ma-tinding pangungulila, natukso akong umibig sa iba.

Sa totoo lang, nakilala ko lang ang lalaking ito sa isang party ng kaibigan ko at nagkahulugan kami ng loob. Nabuo ang isang bawal na relasyon na nagtagal ng halos isang taon. Hindi ko alam kung bakit masyado akong nawala sa sarili. Pati ang salaping ipinadadala sa akin ng aking asawa ay ginastos ko sa kanyang luho.  Humiram pa siya sa aking ng P200 thousand at halos maubos ang savings na-ming mag-asawa. Pagkatapos noon, naglaho na lang siyang parang bula.

Ngayon, ang ikinakatakot ko ay babalik na ang aking asawa at hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang nangyari sa perang inipon niya para sa aming future. Tulungan mo po ako sa pamamagitan ng iyong payo.

Violet

Dear Violet,

Nagkasala ka, dapat matatag kang humarap sa bunga ng iyong kasalanan.

Wala kang ibang magagawa kundi aminin sa mister mo ang nangyari.  Ngunit sa pagsasabi sa kanya, kailangan ay may close friend ka o kaanak na kasama bago ka magtapat ng iyong pagkakamali. Ito ay upang maiwasan ang karahasang posible niyang gawin sa laki ng iyong kasalanan.

Hindi ko kilala ang asawa mo pero bihira siguro ang lalaking agad na magpapatawad at hindi pagdidimlan ng isip sa ganyang uri ng kataksilan.

Pero tulad ng nasabi ko, sa ayaw mo’t sa gusto, wala kang magagawa kundi umamin at humingi ng tawad. Kung ako ang asawa mo, magdaramdam ako siyempre pero patatawarin kita dahil kay Jesus na nasa aking puso. Ngunit hindi ako ang mister mo at hindi ko matiyak kung ano ang magiging reaksyon niya.

Dr. Love

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with