^

Pang Movies

Aktres nagmumukhang matanda sa baong makeup!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Masyadong obsessed ang female celebrity na ito ang kanyang pagpapaganda ng mukha. Hindi na raw siya nakikitang walang makeup sa mukha at kapag feeling niya ay nabubura na ang makeup niya, mabilis siyang naglalagay kahit na nagmamadali pa siya.

Kuwento nga ng isang makeup artist na nakatrabaho ang female celebrity sa isang magazine shoot na sobra raw itong nahilig na sa makeup. Napansin nila na makapal itong maglagay ng anumang kolorete sa kanyang mukha.

“In fairness, maganda naman siya kapag wala siyang masyadong makeup. ‘Yung fresh lang. Mas mukha siyang bata,” sey ng makeup artist.

“Yung napipili niya kasing makeup na ilagay, nagpapatanda sa kanya. Hindi bagay sa edad niya. Papunta na nga sa pagiging payaso ang mukha niya.

“Kaya sa magazine shoot namin recently, gusto kong ibahin ang makeup niya kasi hindi nakakabata.

“Yun din ang bilin sa akin ng photographer. Ibahin ang makeup niya para magmukha siyang fresh.”

Maayos naman daw ang pag-ayos ng makeup artist sa female celebrity. Hindi ito tumanggi sa anumang makeup na ilagay sa kanya. Noong kukunan na ito, nag-excuse lang ang female celebrity para mag-CR. Paglabas niya ay nagulat ang makeup artist dahil parang may naiba sa ginawa niyang makeup.

“Nalokah ako at mabilis niyang na­dagdagan ang nilagay kong makeup. Hindi naman niya binura pero may dinagdag lang siya.

“Hindi naman ako na-offend sa ginawa niya. Actually natawa ako kasi ang bilis niyang i-blend ‘yung dagdag niyang kulay. Para siyang magikera! Para siyang mat kung anong filter na baon.

“Hindi na ako nag-react pa kasi nagmamadali na ang photographer namin. Quiet na lang ako sa pag-retouch sa kanya. Kunwari, hindi ko napansin na may dinagdag siya. Nagpapakiramdaman na lang kami,” sey pa ng makeup artist.

After ng photo shoot ay nag-sorry ang female celebrity sa makeup artist sa sa ginawa nito.

Inamin niya na hindi siya makakaharap sa anumang kamera kung wala ‘yung makeup na nakasanayan na niya. Feeling niya kasi ay hindi siya maganda kapag wala iyon.

Kaya hindi raw puwedeng mawala sa mukha niya ang puting foundation, makapal na black eyeliner, mapulang pisngi at pulang lipstick.

Naintindihan naman ng makeup artist ang female celebrity. Nababasa naman nito ang mga pintas sa female celebrity dahil sa makapal na makeup nito.

Alam kasi ni makeup artist kung ano ang tinatago ng female celebrity sa ilalim ng makapal na makeup nito.

Barbie may mga kinukunsulta kay Derrick 

Close na close sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa isa’t isa, kay may pagkakataon na nagbibigayan na sila ng advices lalo na kapag tungkol sa mga personal na nangyayari sa buhay nila.

Inamin ni Barbie na kay Derrick siya minsan humihingi ng advice kung paano ba intindihin ang mga lalaki.

Karelasyon kasi ng Kapuso Drama Princess si Pambansang Abs Jak Roberto at marami pang gustong malaman ito tungkol sa pakikipagrelasyon.

“Kasi siyempre, siya ‘yung guy bestfriend ko so sa kanya ako humihingi ng guy’s point of view,” diin ni Barbie.

Payo nga ni Derrick kay Barbie ay pabayaan niyang maging lalake sa relasyon nila si Jak.

Kourtney Kardashian nang-inggit sa kaligayahan nila ng BF sa Bahamas

Ininggit ng reality star na si Kourtney Kardashian ang maraming netizens dahil sa tropical vacation nila ng kanyang 24-year old boyfriend na si Younes Bendjima sa Turks and Caicos in the Bahamas.

Nag-stay ang dalawa sa isa sa most lavish 5-star resorts sa island na Amanyara Resort.

Sa Instagram Stories ng 38-year old Keeping Up With The Kardashian star, mga playful videos ang pinost niya kasama ang bagets na boylet.

Magwa-one year na ang relasyon ni Kourtney at Younes pagkatapos nilang magkakilala sa Paris noong 2016. Ang naging special bonding nila ay ang mag-travel in style sa iba’t ibang lugar. Nakarating na sila sa Cannes, St. Tropez, Egypt at Mexico. May tatlong anak si Kourtney sa ex-boyfriend nito na si Scott Disick.

Si Yuones ay ipinanganak sa Algeria noong 1993. He speaks fluent Arabic, English and French. Tumira siya sa Paris kasama ang kanyang mother, pero ang trabaho niya ay sa New York.

Isang professional boxer at model si Younes na nag-debut sa Givenchy fashion show noong 2013. Nag-model din siya for Hermes, Calvin Klein, Burberry and Ralph Lauren.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with