^

Pang Movies

Coco nakakahawig daw si Arnel Ignacio

Vir Gonzales - Pang-masa
Coco nakakahawig daw si Arnel Ignacio
Coco Martin

MANILA, Philippines — May mga nagtatanong na pawang followers ng FPJ’s Ang Probinsyano starring Coco Martin. Bakit daw kahit wanted, pagala-gala lang na parang walang nakakakilala? Bakit daw kulay gray ang wig niya na ginamit noong magpanggap siya bilang isang doktor kay Lito Lapid sa isang ospital, bihira daw kasi sa isang doktor ang mag-wig lalo’t kulay gray dahil nakakabakla ang hitsura. Ayun napansin agad tuloy siya ng grupo ni Sid Lucero.

May nagkukuwento, nakakahawig daw ni Coco kapag naka-wig ng gray si Arnel Ignacio. hanggang saan kaya makakarating ang pagpapanggap ni Coco para maisalba si Lito Lapid.

Tetchie walang kupas

Muling nagbalik-teleserye ang dating Mutya ng Pilipinas Tetchie Agbayani at naging cover girl sa internationnal magazine (Playboy mag).

Seksing-seksi si Tetchie noon at nakagawa pa ng movie sa Hollywood.

Sa teleseryeng Contessa, isang bilanggong babae ang role niya at nakursunadahang patayin si Glaiza de Castro.

Maganda pa rin si Tetchie at hindi kumukupas ang galing sa pag-arte.

Sa tunay na buhay isang professor si Tetchie sa isang pribadong paaralan, minabuti niyang magtapos ng pag-aaral noon dahil alam daw niyang hindi pang habang buhay ang kasikatan ng isang artista.

Angel wala nang paki sa hugis ng katawan

Maraming nakakapansin na mukhang tumataba si Angel Locsin, wala ba siyang proyektong gagawin sa Star Cinema para naman maging abala sa pag-aalaga sa kanyang figure? Bakit daw sunud-sunod ang project ng ibang Kapamilya stars, samantalang si Angel ay hindi pa yata sure ang gagawing project sa Dos?

Lumamig na nga ang usapang magpapakasal na sila ng boyfriend niya. Isa pa ring mapapansing tumataba si KC Concepcion na nag-birthday kamakailan lang.

Personal…

Birthday greeting sa mga April born ce­lebrants tulad nina Snooky, Beirwin Meily, Roderick Paulate, Ex Pres. Gloria Macapagal Arroyo, Ex Miss Universe Gloria Diaz at Sheryl Cruz. Pagbati din kay John Carlo Guizano Castro na taga-Capihan, San Rafael, Bulacan.

Sa April 12, tatanggap si John ng medalyang ginto bilang top students sa Centro Escolar University sa Malolos, Bulacan. Pagbati galing sa loving  grandma Maria Corazon Guisano, tatanggap siya ng award sa Manila Hotel  sa kursong Tourism.                                   

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with