^

Metro

Bebot tumalon mula 19th floor, lasog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 30-taong gulang na babae ang sinasabing tuma­lon mula sa ika-19 na palapag na gusali na nagresulta para mahati at magkalasug-lasog ang katawan nito sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Christine Grace Obedoza, residente ng Narra St., East Fairview, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, nabatid ang insidente ay naganap dakong ala-1:00 ng hapon sa isang condominium building sa Mother Ignacia St., corner Panay at Timog Ave­nue, Quezon City.

Ayon sa report, nagtungo at nagkunwaring bibili ng condo unit ang biktima kaya sinamahan siya sa mga bakanteng unit.

Unang ipinakita sa biktima ang isang unit sa 6th floor pero hindi nito nagustuhan kaya naghanap pa siya ng ba­kanteng unit sa mas mataas hang­gang makarating sa 19th floor.

Pagdating sa ika-19 na pa­lapag ay nakiusap ang biktima sa sales representative ng gusali na iwan na muna siya.

Makalipas ang ilang mi­nuto ay nakita na lamang uma­nong umakyat sa veranda at balkonahe ang biktima saka tumalon.

Unang bumagsak ang ka­ta­wan ng biktima sa ikalawang palapag at naputol ang kata­wan at braso nito habang ang ibang bahagi ng katawan at bumagsak sa kalsada at nagkalasug-lasog.

Nagsasagawa pa ng masu­sing imbestigasyon ang pu­lisya para matukoy kung may foul play sa pagpapakamatay ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with