^

Pang Movies

Maine may kakambal na transgender

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maine may kakambal na transgender

Mari Jean

Kalokalike talaga ni Maine Mendoza ang transgender woman na contestant kahapon sa SuperSireyna ng Eat Bulaga.

Kopyang-kopya ng baklita ang bangs at ang bibig ng tunay na Maine kaya agree ito na gay counterpart niya si Mari Jean Montecillo na representative ng Caloocan City.

Aliw na aliw si Maine nang mapanood nito ang panggagaya sa kanya ng SuperSireyna candidate at malaki ang chance na magkita sila nang personal dahil si Mari Jean ang nanalo kahapon kaya sure na babalik sa Eat Bulaga ang kalokalike ni Yaya Dub.

Bong at Jinggoy malabo nang matibag!

Malalim na talaga ang friendship nina Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. dahil sa mahigit na tatlong taon na pagsasama nila sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Ngayon ang birthday ni Jinggoy at dahil imposible na makadalo si Bong sa birthday celebration niya, siya ang dumalaw kahapon sa kanyang BFF.

Kahit busy si Jinggoy sa pag-iikot sa mga lugar na malalayo, may panahon siya para dalawin si Bong na naiwan na nakakulong sa PNP Custodial Center.

Hindi rin nakakalimot si Jinggoy na magtirik ng kandila sa lahat ng mga simbahan na pinupuntahan dahil ipi­nag­da­rasal niya na makalaya na rin si Bong.

Higit pa sa magkaibigan ang relasyon nina Jinggoy at Bong dahil parang mga tunay na magkapatid na ang dalawa.

Confident ako na never nang masisira ng pulitika o ng ibang mga isyu ang friendship nina Bong at Jinggoy dahil kilalang-kilala na nila ang isa’t isa dahil sa kanilang matagal na pagsasama sa kulu­ngan.

At dahil birthday ngayon ni Jinggoy, good health ang birthday wish ko sa kanya dahil nakamit na niya ang pinakaasam na freedom. Parang wala nang mahihiling pa si Jinggoy dahil marami ang nagmamahal sa kanya at natupad ang lahat ng mga pinapangarap niya.

Jenine sinalubong ang Chinese New Year ng patutsada sina Janella at Elmo

Bihira nang magbasa si Jenine Desiderio ng showbiz news kaya delayed ang reaction niya sa interview na kanyang nabasa.

Ito ‘yung tungkol sa isyu na may tinawag si Jenine na gatecrasher. Walang binanggit na name si Jenine at hindi uli siya nagsabi ng mga pangalan sa kanyang bagong emote laban sa mga pinasasaringan niya.

Habang sinasalubong ng mga Chinese ang pagsisimula ng Year of The Dog noong Miyerkules, sinagot ni Jenine ang interview na nabasa niya.

“Gatecrasher sya talaga. That’s the truth. Ask the fam. No more lies please. The one who brought this person was not the one hosting the party & did not inform anyone that she invited a non-family member to a family reunion.

“Nor was this ok with the family as they both claim. This is fine under normal circumstances if this person did not cause the major break up of a family. But.... I’m so tired of being maligned & painted out of line. Please know the facts from all sides before judging & reacting. Thank you,” ang paglilinaw ni Jenine na bihirang mag-emote pero pinagpipistahan ng mga tao ang mga statement.

Walang mga pangalan na sinabi si Jenine at kahit blind item ang emote nito, malakas ang kutob ng fans at ng mga intrigera na ang kanyang anak na si Janella Salvador at ang rumored dyowa nito na si Elmo Magalona ang mga starring sa blind item niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with