^

Probinsiya

Selosong mister nag-amok: Misis tinangkang pugutan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sugatan ang isang 31-anyos na misis nang tangkaing pugutan ng nag-amok nitong mister matapos mahuli na ibinabiyahe sa traysikel ng pinagseselosang kapitbahay sa Brgy. Tapao-Tigue Currimao, Ilocos Norte noong Sabado.?

Nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan si Princess Rafanan matapos salagin ang mga hataw ng itak ng mister na si Frederick Rafanan, 47, na nagwala nang madiskubreng wala sa kanilang bahay ang babae sa bayan ng Sinait.?

Sa report kay Chief Insp. Marlon Padamada, hepe ng Currimao Police, tinumbok ng van ng nag-aalborotong mister ang traysikel na lulan ang misis at minamaneho ng kapitbahay na si Helmar Melendrez, 31, nang maabutan sila sa dako ng Brgy. Tapao-Tigue.?

Nagkaripas ng takbo si Melendrez at naabutan naman ng suspek ang misis nito na iika-ikang papalayo.? Halos mapuruhan na ang nagmamakaawang misis kundi lamang inawat ng taongbayan ang nagwawalang mister.?

Tumakas ang suspek subalit nadakip din ng mga pulis sa follow-up operation habang isinugod ang misis nito sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with