^

PSN Showbiz

Julia hindi na nanibago sa baril!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia hindi na nanibago sa baril!

Julia

Noong Lunes ay nagsimula na ang teleseryeng Asintado na pinagbibidahan nina Julia Montes, Paulo Avelino, Aljur Abrenica at Shaina Magdayao.

Matatandaang gumanap bilang ina si Julia sa huling seryeng nagawa na Doble Kara. Mula noon ay may ilang mga nakapansin na mabilis na nag-mature ang aktres dahil sa role na ginampanan.

Para kay Julia ay hindi naman daw ito naging isyu sa kanya dahil ibang-iba naman ito sa kanyang role ngayon sa bagong serye. “Actually it gets better everytime for me. Kasi lahat talaga ng characters ang dami kong natututunan eh. Parang ito, ang sarap kasi panibago na naman, and hindi sumagi sa isip ko na magpo-portray ako ng ganito,” nakangiting paliwanag ni Julia.

Ayon sa aktres ay mas challenging ang kanyang role ngayon bilang si Ana sa Asintado. Hindi lamang ang pagiging magaling sa drama ng dalaga ang masasaksihan ng manonood dahil maipamamalas din ni Julia ang kakayahan sa aksyon. “Intense siya for me kasi bagong take ng character na hindi na iyak nang iyak lang. Ito, iiyak ka pero lalaban ka, ‘yung babae ngayon. Actually ‘yung part na babaril ako, nahirapan ako sa part na ‘yon kasi nahirapan ako na ipaghalo ‘yung galit at frustration. ‘Yung galit ka na mahal mo ‘yung tao pero sinusumpa kita. Nahirapan akong itawid siya,” pagbabahagi ng aktres.

Sa totoong buhay ay nasubukan na ni Julia mag-firing kaya hindi na bago sa kanya ang paghawak at paggamit ng baril sa telebisyon. “Sa Doble Kara humawak lang ako pero ‘yung character ko hindi marunong bumaril, ‘yung hawak lang, talagang tinutok mo lang sa tao. Pero nagpa-firing ako, kaya hindi ako masyadong takot sa baril,” pagtatapos niya.

Robin nagpipigil kay Jodi

Malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang bagong teleserye ni Jodi Sta. Maria na Sana Dalawa Ang Puso. Makakatambal sa unang pagkakataon ng aktres si Robin Padilla at muling makakatambal si Richard Yap sa nasabing proyekto.

Aminado si Robin na madali siyang ma-in love sa mga nakakatambal sa trabaho kahit noon pa man. “Hindi po kasi pwedeng mawala ‘yon. Pero siyempre maturity na lang po, hindi na kailangan umabot pa sa gano’n. Kailangan po kasi talagang mag-deliver ako. Kaya pasensya ka na lang Ms. Jodi, gano’n talaga. Mag-ingat ka na lang, doble ingat ka na lang,” natatawang pahayag ni Robin.

Kung hindi raw kasal ang aktor kay Mariel Rodriguez ay talagang posibleng mahalin niya si Jodi. “Sa akin po, sa edad ko po talaga, bulag na lang po siguro ang lalaking hindi iibig kay Ms. Jodi. Malaki ang diperensya no’n kapag hindi mo na siya inibig. Ang pag-ibig na iyan, may boundaries na. Mahirap na walang boundaries,” makahulugang pahayag ni Binoe.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with