^

Pang Movies

‘Below the belt’, Mariel bumuwelta sa pandadamay ng bashers sa anak nila ni Robin!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
�Below the belt�, Mariel bumuwelta sa pandadamay ng bashers sa anak nila ni Robin!

Mariel at Isabella

Nakikiusap si Mariel Rodriguez na ‘wag idamay ang anak nila ni Robin Padilla na si Isabella sa pangba-bash sa kanyang mister matapos nitong pagsabihan ang isang Korean contestant ng PGT na dapat itong magsalita ng Tagalog kung gusto niyang makipag-usap sa kanya bilang hurado. “Si Robin magpapakamatay yan para sa Pilipinas... si Robin ibibigay niya buhay niya para sa mga katutubo, sa mga kapatid... sa mga Pilipino. Ganun si Robin. It is very hard to understand his passion when it comes to his love for the country... pero pagkatapos ng pagibig niya sa Allah, susunod ang pag-ibig para sa bayan, more than family more than self more than anything (except God) pinaka mahal ni Robin ang Pilipinas. If you watch the whole clip he was being a very fair judge when it came to the talent of the korean contestant. He humbled himself and said “pasensya ka na” even added “isipin mo na lang na tatay mo ako sa Pilipinas at napagsabihan ka ng tatay mo” so ano ba ang ikinakagalit n­iyong lahat? Dinamay niyo pa yung anak kong inosente! Okay lang na mag labas kayo ng mga opinion niyo no problem kasi opinion niyo yan. Pero para idamay ang anak ko na walang kasalanan sa mundong ito! Below the belt. no mother should ever receive ill wishes for her child no matter what the circumstances are. While you guys are bashing away Robin is busy rebuilding Marawi. People with REAL PROBLEMS! And no your bad comments are not welcome on my page. To my husband... we stand by you 100%.”

May point naman si Mariel. At least nga naman si Robin may ginagawa para sa Marawi, eh ang bashers kaya?

Anthony at Arci

Arci pinaligaya ng boyfriend na mukhang Korean actor sa kanyang birthday!

Mukhang Korean actor pala ang dyowa ni Arci Muñoz na si Anthony Ng na ex ni Erich Gonzales. Kaya naman oppa ang tawag ni Arci sa karelasyon.

Naging visible ang hitsura ni Mr. Ng simula nang ilantad ni Arci ang relasyon nila.

Binigyan nito ng birthday surprise ang sexy actress at ayon kay Arci ay umaapaw ang kaligayahan niya sa ginawa nito. “My heart overflows with love.. thank you soo much for making this day extra special. Couldn’t contain the joy in my heart upon seeing all my loved ones on my bday. Trying to hold back my tears “Pamacho” Cos I’m usually the one surprising people. My love, #oppayou’re the best! thank you for gathering all my loved ones. I’m overwhelmed with happiness,” part ng caption nito sa isa sa mga photos na uploaded niya sa kanyang social media account.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with