^

Police Metro

Tiyuhin na killer ng 11-anyos nene, nadakip

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng mga otoridad at nakatakda nang pagdusahan ngayon ng isang 47-anyos na lalaki ang itinuturo sa kanya na pagpatay sa kanyang 11-an­yos na pamangkin na babae na tinangka rin umano niyang gahasain makaraang madakip, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakilala ang nadakip na si Ricky Castillano, naninirahan sa #41B Makipot Road, Libis Bukid, Brgy. Malinta, ng naturang lungsod.  Itinuro siya na pumatay sa kanyang pamangkin na si Ednelyn Grace Oliveros, naninirahan rin sa natu­rang lugar.

Sa inisyal na ulat ng mga imbestigador ng Valenzuela City Police, alas-12 ng Huwebes ng tanghali nang matagpuan ang duguan at wala nang buhay na bangkay ni Ednelyn ng kanyang nakababatang kapatid na si Mark Edson, 9-anyos, sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ang biktima ng malalim na sugat sa leeg.  Nakababa naman ang panty niya at may mga hibla ng buhok sa kamay ng paslit na tanda na nanlaban siya sa sinumang umatake sa kanya. Narekober rin ang isang patalim na may bahid pa ng dugo na hinihinalang ginamit sa krimen.

Natuklasan din na hu­ling nakita ang biktima na kasama ang kanyang tiyuhin na si Castillano na hindi mahagilap sa naturang bahay.  Dito na nagkasa ng follow-up operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek dakong alas-9:00 kamakalawa ng gabi sa kanyang pinagtaguang bahay sa naturang barangay.

Inamin naman ng suspek ang nagawang krimen ngunit itinanggi na nasa impluwensya siya ng iligal na droga. Nagdilim lamang umano ang kanyang pani­ngin dahil sa ayaw gumising ng kanyang pamangkin.  Itinanggi rin ng suspek na ginahasa niya ang bata.

Napag-alaman na ipinapaalaga ang biktima at tatlo pa niyang nakababatang kapatid ng kanilang ama sa suspek na kanyang kapatid habang nagtatrabaho siya sa malayo.

Sa ngayon ay hawak na ng Department of Social Welfare and Develop­ment (DSWD) ang mga naka­babatang kapatid ng biktima habang nahaharap naman sa kasong murder ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with