^

Bansa

Cessna plane bumagsak: Piloto, stude sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Milagrong nakaligtas ang isang piloto at estudyante nito matapos na bumagsak ang kanilang pinalilipad na trainer plane sa lalawigan ng Aurora kahapon.

Sugatang isinugod sa pagamutan ang mga biktima na sina Captain Alfred Galvan at student pilot na di tinukoy ang pangalan. Sila ay idineklara nang nasa ‘stable‘ na kondisyon sa pagamutan.

 Sa report ni Elson Egargue, chief ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nangyari ang insidente pasado alas-12 ng tanghali sa matarik  na bahagi ng bulubundukin ng Brgy. San Juan, Maria Aurora ng lalawigang ito. 

Nabatid na dakong alas- 10 ng umaga nang lumipad ang Cessna trainer plane sa Lingayen airstrip na nagsasagawa ng training flight nang aksidente itong bumag­sak. 

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente upang matukoy ang naging sanhi ng pagbagsak ng erop­lano. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with