^

Bansa

Epektibong transport system sa bansa, giit ng LCSP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pamahalaan na pabilisin ang  pagpapabuti ng sistema ng transportasyon sa bansa.

Ito ayon kay Atty Ariel Inton, founding president ng LCSP, ay upang higit na makatulong ang sektor ng transportasyon sa higit na pag-angat ng turismo sa bansa at pag-angat ng ekonomiya ng bansa para sa kapakanan ng mas nakararaming mamamayan.

“Napakalaki ng magagawa ng sektor ng transportasyon sa pag-angat pa ng Turismo ng ating bansa. Maraming mga nakatagong magagandang mga destinasyon sa Pilipinas na maaari lamang mapuntahan ng mga turista kung maayos at convenient ang transportasyon.” pahayag ni Inton.

Anya kung may mas mabisang serbisyo ang pamahalaan sa sektor ng transportasyon ay higit na mas marami ang dadayo sa Pilipinas na may malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with