^

PSN Showbiz

Toni sinagot ang pakikipagtikiman daw ng asawa kay Erich

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napakalaki ng tiwala  ni Toni Gonzaga sa asawa niyang si direk Paul Soriano kung kaya noong panahon na nagkaroon ito ng isyu kay Erich Gonzales ay wala siyang naramdamang takot o kaunti mang pagsese­los.

Naniniwala si Tony sa sinasabi ng kanyang gut feeling. Wala siyang naram­damang kutob sa iniisyu kay direk Paul kaya dedma lang siya.

Malalagay sa pagsubok ang tiwala nila ng asawa sa isa’t isa dahil kay Toni mismo nanggaling na medyo daring ang Last Night nila ni Piolo Pascual. Maraming eskena rito si Toni na ngayon lamang niya ginawa na magpapamalas ng kanyang maturity.

Humahanga siya kay Bela Padilla na siyang gumawa ng story and script.

Piolo hoping na makaka-date si Shaina!

Totoong walang ka-date si Piolo Pas­cual sa Star Magic Ball. Katulad ni Robi Domingo ay darating itong mag-isa at walang kapareha.

Pagdating doon ay baka mag­hanap na lamang siya ng kapwa niya mga artista na wala ring kapareha. Wish niya na wala ring part­ner si Shaina Magdayao da­hil comfor­table siyang kasama ito. Problema lamang ay kung du­mating na may partner ang babaeng matagal nang nali-link sa kanya.

Jessy hindi pa handang pakasal

Kung ready nang mag-settle down ni Luis Manzano, ganun din kaya ang girlfriend niyang si Jessy Mendiola? Financially stable na ang popular na TV host, kaya nang magdala ng pamilya, pero si Jessy kaya ay kaya nang i-give up ang kanyang pag-aartista?

Kahit payagan siya ni Luis na ipagpatuloy ang kanyang karera sa showbiz, kailangan pa rin niyang tumigil pansa­man­tala para magkaroon ng time to start a family kapag nagpakasal na sila.

Malaki ang kabataan ni Jessy kay Luis kaya baka maghintay pa si Luis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with