^

PSN Showbiz

Male personality agahan hanggang hapunan ang pakikipag-away!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang sa kanyang mundo maraming nakakabangga ang isang kilalang male personality. Panghimagas na lang yata kasi para sa taong ito ang pakikipagbungilan sa kanyang mga kasamahan.

Kapag oo ang sagot ng kanyang mga kasamahan ay siguradong hindi ang sa kanya. Basta makakontra lang siya. Para may argumento lang. Basta may mapaglabanan lang.

Kuwento ng aming source, “Ibang klase naman kasi ang taong ‘yun! Ang feeling niya kasi, e, siya na ang pinakamatalinong tao sa balat ng lupa! Palaging siya lang ang tama, siya na, siya na talaga!” naiinis na komento ng impormante.

Kahit sa showbiz ay maraming imbiyerna sa taong ‘yun. Magaling lang kasi siya kapag may kailangan pero kapag nakuha na niya ang kanyang gusto ay hindi na siya nakakakilala.

“Naku, kahit minsan lang ba, e, kinumusta niya ang isang respetadong producer na napakalaki ng nagawa sa posisyong pinanghahawakan niya ngayon? Nu’ng panahong kailangan niya ng tulong, e, madalas siyang makipagkita sa produ!

“Palagi siyang may panahon, nandu’n siya palagi, pero nu’ng manalo na siya, e, balewala na sa kanya ang lahat ng nagawa ng produ para sa kanya! At mula nga nu’ng maposisyon na siya, e, ni hindi man lang niya naalalang dalawin ang isa sa mga pinakamalaki niyang supporter nu’n!

“Kasi nga, e, masyado siyang busy sa pakikipag-away, ‘yun ang pagkain niya mula umaga hanggang sa midnight snack niya. Wala na siyang ginawa kundi ang makipagbanggaan sa kung sinu-sino!

“Naaasikaso pa rin kaya niya ang personal life niya? Nakikipagkita pa kaya siya sa mga kaibigan niya? Nakaka-bonding pa rin kaya niya ang mga kamag-anak niya? Mukhang wala na siyang ganu’n.

“Ang inaatupag na lang niya, e, ang makipag-banggaan sa mga kasamahan niya, ang makipag-away sa mga pulitikong hindi niya kakulay, nag-iisa lang talaga siya!

“E, ‘di siya na! Angkinin na niya ang kredito bilang pinakamatalinong tao sa mundo! Kung ‘yun lang ang gusto niyang palutangin, e, ‘di kanya na ‘yun! May umaagaw ba nu’n sa kanya?” naiinis pang komento ng aming source.

Ubos!

Kathryn ayaw ihiwalay kay Daniel

Talagang hindi makapapayag ang mga tagasuporta ng KathNiel na maipareha ang kanilang mga idolo sa ibang personalidad. Ang kanilang katwiran ay sinusuportahan nila ang loveteam nina Daniel Padilla ay Kathryn Bernardo dahil natutuhan na nilang mahalin ang kanilang mga idolo.

“Bakit ngayon pa nila guguluhin ang loveteam, kung kailan pinaghirapan na nilang mabuo ‘yun? Bakit kailangang ipareha si Kathryn kay James Reid, e, si Daniel ang talagang partner niya?” tanong ng isang tagasuporta ng KathNiel.

Si Nadine Lustre nga naman ang kapareha ni James Reid, magkarelasyon din sila, kaya pinagtatakahan ng mga tagasuporta ng KathNiel kung sino ang nagpasimunong itambal si Kath kay James?

Ang kanilang posisyon ay hindi sila makapapayag, hindi nila susuportahan ang tambalang James-Kathryn, hindi nila papayagang may makasingit sa minahal nilang tambalang KathNiel

Sabi naman ni prop, “Ano ito, gagawin nilang tagasalba si Kathryn sa pabagsak na career ni James Reid? Porke ba maganda ang image ng girl, e, itatambal na siya kay James na negang-nega ang dating ngayon?

“Dahil ba sa bagsak ang loveteam nila ni Nadine, e, ang KathNiel loveteam naman ang magiging tagasalo ng manok nila? Tahimik ang KathNiel, successful sila, huwag na sana nilang bulabugin ang loveteam!

“Hindi naman kasalanan nina Kathryn at Daniel kung bakit nagkaganyan ang JaDine, sila naman ang gumawa ng dahilan kung bakit sila humina, kaya bakit ipasasalo nila kay Kath ang nalulunod na career ni James?” madiing komento ng kaibigan naming propesor.

‘Yun ang argumento. Bakit paghihiwalayin sina Daniel at Kathryn samantalang matagumpay ang kanilang tambalan. Period.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with