^

Probinsiya

Drug trader utas sa drug bust

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Bumulagta ang 23-anyos na drug trader matapos itong pumalag at manlaban sa mga pulis sa inilatag na anti-drug operation sa Barangay Alaguia, bayan ng Lal-lo, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan Police ang napatay na si Buyi Carera ng Barangay Macanaya sa bayan ng Aparri. Ayon kay Iri­ngan, napuruhan si Carera nang ratratin ng mga pulis makaraang magmintis ang kanyang baril na pinaputok laban sa pulis na poseur-buyer na binentahan niya ng sachet ng shabu. Tumakas naman ang kasama ni Carera sakay ng motorsiklo nang maganap ang barilan. Narekober sa crime scene ang plastic sachet na shabu, cal. 38 revolver na paltik at ang marked money na ginamit sa drug bust.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with