^

PSN Showbiz

Joshua aminadong maraming pinagseselosan kay Julia

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang cute ng reaction ni Julia Barretto sa sinabi ni Joshua Garcia sa presscon ng Love You To The Stars and Back na alam niya kung paano patatawanin, susuyuin at babalansehin ang mood swings ng ka-love team.

“Mood swings talaga?” ang reaction ni Julia na ikinatawa ng press people, pero hindi niya kinorek si Joshua.

Hindi rin kinontra ni Julia si Joshua sa inaming seloso siya at marami siyang pinagseselosan kay Julia, pero hindi nagdetalye.

Samantala, sa August 30 na ang showing ng Love You To The Stars and Back sa direction ni Antoinette Jadaone. Roadtrip movie rin ito gaya ng pelikula niyang That Thing Called Tadhana, pero sabi ni direk Tonette, hanggang doon lang ang pagkakapareho ng dalawang pelikula.

Dennis at Jennylyn parang pakakasal na

May ibig bang sabihin ang biglang pagpu-post nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ng pictures nila sa bakas­yon sa Europe? Kung itsi-check ang social media accounts ng dalawa, very careful sila sa pagpu-post ng pictures na magpapakita ng sweetness, kaya nagulat ang fans sa pagpu-post nila ng pictures.

Ipinost ni Dennis ang picture nila ni Jennylyn habang nasa Kakslauttanen Arctic Resort sa Finland para panoorin ang Northern Lights. Si Jennylyn na­ma’y, picture nila ni Dennis na kuha sa Louvre Museum ang ipinost.

Iba ang naiisip ng mga kinikilig na DenJen fans sa pag-o-open nina Dennis at Jennylyn sa kanilang relasyon. Una rito, nag-post si Jennylyn ng IG stories na nakayakap sa kanya si Dennis noong birthday party ng anak na si Jazz.

Ang feeling tuloy ng fans ng dalawa may magandang ibabalita ang mga ito sa mga susunod na araw.

Samantala, parehong busy sina Jennylyn sa kani-kanyang projects. Nagsu-shooting na ang aktres ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Almost Is Not Enough at may gagawin pa sa Reality Entertainment.

Si Dennis naman ay tinatapos ang Mulawin vs. Ravena at habang papa­lapit ang pagtatapos ng fantaserye, nagiging madugo ang labanan ng mga Mulawin at mga Ravena.

Betong nag-audition para makapareha si Solenn

Pasabog agad ang pilot episode ng All Star-Videoke sa September 3 dahil guests sina Alden Richards at Jerald Napoles bilang celebrity laglagers. Kabilang naman sa six cele­brity contestants at guests sa pilot episode sina Megan Young, Mikael Daez, Ken Chan, Jak Roberto, at Barbie Forteza.

Hosts sina Solenn Heussaff at Betong Sumaya at si Louie Ignacio ang director. Puro celebrities ang contestants na kahit missing lyrics ng kanta ang huhulaan, mahirap din ito.

Nabanggit ni Betong na nag-audition siya para maging male host ng show at isa sa una niyang agad binalitaan nang makapasa ay ang kaibigang si Michael V.

Ang All-Star Videoke ang papalit sa time slot ng Hay Bahay, masaya at good vibes ang show at maaaring mag-uuwi pa ng cash prize up to P100,000.

Pangalan ng director  galing sa gatas

Naintriga kami sa director ng I Found My Heart In Santa Fe na si Bona Fajardo at inakala pa nga naming babae siya. Nang makausap sa presscon ng pelikulang mapapanood simula September 15, may istorya ang pangalan ni direk.

Romualdo ang real name ng director nina Will De­vaughn at Roxanne Barcelo at kaya naging Bona ay dahil Bonna ang gatas niya noong bata pa siya. Tinanggal lang ang isang “n”. Kaya naman naisip ng mother niyang pangalanan siyang Bona dahil sponsor niya ang brand ng milk noong bata pa siya.

Anyway, ikinuwento rin ni director Bona kung gaano kaganda ang Santa Fe na nasa Bantayan Group of Island at gateway pagpasok ng Bantayan.

Sa Santa Fe kinunan ang buong pelikula na rom-com.

Ang next movie ni director Bona at ng BluArt Productions ay pagbibidahan pa rin nina Roxanne at Will kasama si Glaiza de Castro. May pamagat na Q na tungkol sa Filipino Martial Arts.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with