^

PSN Showbiz

May pagsasamahang pelikula Robin pinuri ang indie ni Shawie!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Naka-motor si Dingdong Dantes na pumasok sa presscon ng Pagbabaik ng Alyas Robin Hood. Maikli lang kasi ang lugar kaya hindi gaanong naipamalas ng GMA Primetime King ang pagkabihasa niya sa pagmu-motor.

Pero isa si Dingdong sa celebrities na kasama ni Jay Taruc na nagmu-motor. Ipakikita naman ni Jay sa bago niyang motorcycle show na Rider PH by Jay Taruc ang bonding niya sa pagmu-motor kasama ang mga kilalang celebrities kagaya ni Dingdong, Ryan Agoncillo, Kim Atienza, Onemig Bondoc at marami pang iba.

“Kami-kami nagra-ride kami ‘pag weekend, ganun ‘yung bonding na nakukuha namin. Practical siya,” pakli ni Jay sa presscon ng Rider PH na magsisimula na sa August 20 ng gabi sa GMA News TV.

Marami raw matutunan sa programa tungkol sa pagmu-motor. “If you learned to ride it properly, magiging advantage mo ito dahil mas maaga kang makakapunta sa mga meeting mo, sa trabaho mo, hindi ka na pipila sa MRT.

“Ang daming murang motorsiklo eh. Gusto naming simulan sa show naming ‘yung disiplina, ‘yung tamang paraan sa pagmu-motorsiklo,” sabi pa ni Jay.

PAK: Hinabol ni Robin Padilla na panoorin sa CCP ang Cinemalaya entry ni Sharon Cuneta na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Ipinost ni Sharon sa kanyang Instagram account ang papuri ni Robin sa kanyang pelikula.

Sabi raw ni Ro­bin, napakanatural at napa­katotoo ng pelikula. Sabi pa nito, “Husay ng pagkakagawa at pagkakaganap ng mga artista lalo ang aking idol Ms. Sharon Cuneta.

“Tawa ako nang tawa sa mga eksena dahil walang humpay na pagsasalarawan ng mga katotohanan sa buhay at higit sa lahat, ako’y natulala at napaisip sa kinakaharap sa ngayon pagdating sa edad ng crossroads.”

Ang latest kasing narinig namin, si Robin Padilla pala ang makakasama ni Sharon sa susunod na pelikulang gagawin niya.

BOOM: Ipinagkibit-balikat na lamang ni Gina Alajar ang mga matatalas na pahayag ni Suzette Doctolero laban sa Cinemalaya entry niyang Nabubulok.

Matindi ang mga ipinost ni Suzette sa kanyang Facebook account na sinabi pa niyang ‘bulok’ ang Nabubulok at mapapamura ka raw sa kachakahan.

Nakausap ni Noel Ferrer ang bida ng pelikulang si Gina Alajar sa kanyang radio program na Level Up sa 990 Radyo Inquirer noong kamakalawa ng gabi at wala siyang sinabi laban kay Suzette na kasamahan niya sa GMA 7.

Sabi na lang ni Gina, “Unang-una you have to understand where the person is coming from.

“Yung kasamahan naman na ‘yun iyun ay matagal na rin namang kakilala. Hindi ka nagugulat sa mga ganung komento.

“Well, she has her own standard, okay na ‘yun.”

Ikinuwento ni Gina na meron din daw siyang isang kaibigan na nag-post sa kanyang Facebook account ng sariling pananaw sa mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya, at bukod tanging ang Nabubulok lang ang wala siyang nasabi.

Baka raw hindi lang maganda ang opinyon niya, pero hindi na lang niya ito isinulat. Mas na-appreciate pa raw niya iyon na tumahimik na lang dahil nasa iisang industriya lang.

Sana kinonsider din daw na first movie pa lang ito ni Sonny Calvento, kaya hindi raw sana hinusgahan agad.

“Wala naman akong ano…it’s her ano…dinidiin lang niya ang kanyang thoughts about the movie, ganyan lang ‘yan.

“I understood… it’s not a matter of life and death para magkagalit-galit tayo.

“Matanda na tayo ‘di ba? ‘Yung pusong mamon natin, hindi na siguro ‘yan. Dapat maghabaan na lang tayo ng pasensya sa isa’t isa,” dagdag na pahayag ni Gina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with