6.3 magnitude quake sa Luzon
Klase sa ilang schools sinuspinde
MANILA, Philippines - Marami ang nataranta at naglabasan sa mga tahanan at gusali dahil sa pagyanig sa South Luzon na naging dahilan ng kanselasyon ng klase sa ilang paaralan.
Ito ay kasunod ng isang lindol na tinatayang nasa 6.3 magnitude na naramdaman sa ilang parte ng Luzon ala- 1:28 ng hapon kahapon.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, gumalaw ang Manila Trench kaya maraming bahagi ng Metro Manila ang nakaramdam nito.
Sa initial report, 6.3 magnitude ang naitala sa monitoring center ng Phivolcs.
Natukoy ang epicenter sa layong 16 kilometro sa Nasugbu, Batangas. Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV – Calapan, Mindoro; Subic, Zambales; Rosario, Cavite; Manila City; Sablayan, Occidental Mindoro; intensity III – Pateros City; Quezon City; Makati City; Malolos, Bulacan; ,Cainta, Rizal; Calamba, Laguna; intensity II – Magalang, Pampanga; Tanauan City, Batangas; intensity I – Talisay, Batangas.
Naramdaman din ang intensity III sa Calumpit, San Ildefonso, Bulacan; Tagaytay City at Intensity II sa Lucban, Quezon.
Ilan naman sa nagsuspinde ng klase ang Taguig City (All Levels), Olongapo City (All Levels), Lyceum of the Philippines, University Batangas, Philippine Women’s University, Far Eastern University – Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Far Eastern University – Makati, Manila Tytana Colleges, De La Salle University – Manila, De La Salle University – BGC, De La Salle University – Laguna, De La Salle University – Makati, De La Salle University – Dasmariñas.Habang sinusulat ang balitang ito. Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naganap na lindol. Ilang tanggapan din ang nag-pauwi na rin ng kanilang empleyado.
- Latest