^

PSN Showbiz

Marvin ‘sumagot’ sa pagli-link sa kanila ni Markki!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

AFP nakapag-isip, ayaw pagamit kay Juana Change!; Ahron nagpakita na ng bird para mapansin?!

SEEN: Ang “mystery girl” na kasama ni Marvin Agustin sa Instagram post nito. Ang Instagram post ni Marvin ang sagot nito sa mga pilit na nagbibigay ng malisya sa special friendship nila ni Markki Stroem.

SCENE: Hindi nagkamali ang Armed Forces of the Philippines sa kanilang pasya na huwag nang ituloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Mae Paner dahil sa pagsusuot nito ng AFP uniform sa rally noong Lunes. Magagamit lamang ni Paner ang AFP sa mga publicity niya.

SEEN: Dumami ang mga television guesting nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez dahil sa box office success ng pelikula nila. #EverybodyLovesAWinner.

SCENE: Lolo na si Robin Padilla dahil nagsilang ng baby girl noong July 27 si Queenie, ang panganay nila ni Leizel Sicangco. Dalawa ang magiging apo ni Robin ngayong July dahil hinihintay niya ang pagsisilang ni Kylie Padilla ng baby boy.

SEEN: Ngayong gabi ang JaDine Love concert nina Nadine Lustre at James Reid sa Ibalong Centrum, Legazpi, Albay.

SCENE: Ang paulit-ulit na pagsasalita ni John Arcilla ng punyeta sa video message niya para sa TBA Studios, ang producer ng kanyang surprise hit movie na Heneral Luna. Si John ang bida sa Birdshot, ang official entry ng TBA Studios sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa susunod na buwan.

SEEN: Tatlong anti-hero movie ang project ng direktor na si Jerrold Tarog sa TBA Studios. Nauna na ang Heneral Luna at susundan ito ng Goyo: Ang Batang Heneral. Ang Quezon vs. Aguinaldo ang kukumpleto sa historical trilogy ni Tarog.

SCENE: Papansin, walang career at fame whore ang mga paninira kay Ahron Villena dahil sa pagpapakita nito ng private part sa kanyang Instagram story.

SEEN: Masyado nang komportable kay Willie Revillame ang starlet at Wowowin co-host na si Ash Ortega.

“Tinapik” ni Ash sa ulo si Willie at tinawag ito na lolo sa isang episode ng kanilang comedy skit sa Wowowin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with