^

PM Sports

HD Spikers lusot sa Lady Realtors

Pang-masa

LARO BUKAS

(Filoil Flying V Center)

 3 p.m. – Opening Ceremonies

5 p.m. – Generika-Ayala vs Foton

7 p.m. – Cignal

vs Petron

MANILA, Philippines - Nakalusot ang Cignal mula sa mahigpit na hamon ng Sta. Lucia Realty upang maitala ang 19-25, 25-18, 25-13, 23-25, 15-12 panalo sa Rebisco-Philippine Superliga (PSL) All-Fi-lipino Conference kaha-pon sa  Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nagdeliver ng mga krusyal na hits sina Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga para maipanalo ang HD Spi-kers sa una nilang laro.

Umiskor si Gonzaga ng 19 kills at 3 blocks upang tumapos na topscorer sa kabuuang 22 points, habang nagdag-dag si Daquis ng 14 markers para sa HD Spi-kers.

Itinabla ng  national team mainstay na si  Da-quis sa 11-11 ang laban sa deciding set bago umiskor si Gonzaga ng go-ahead spike.

Nakatabla sa huling pagkakataon ang Lady Realtors sa pamama-gitan ni Filipino-Ame-rican MJ Phillips.

Ngunit isang attack error ni Danica Gendrauli ang nagbalik ng lamang sa Cignal na sinundan ni Gonzaga ng kill para sa match point.

“Sa fifth set pinabilis ko ang mga atake namin,” ani coach George Pascua. “Kasi malalaki ang kalaban eh, mahirap mag-penetrate. So pinabilis ko ang atake. Ma-buti at naging effective naman sa bandang huli.”

Sa ikalawang laro,  naiposte ng Cocolife ang una nilang panalo  makaraang igupo ang  Cherrylume, 25-16, 25-17, 25-11. (FMLumba)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with