^

Probinsiya

Vice mayor arestado sa pamamaril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bagsak kalaboso ang isang bise alkalde matapos mamaril ng isang sibilyan na nakasagutan nito sa Pob­lacion, Mabuhay, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Isinugod sa Mabuhay Rural Health Unit ang biktimang  si Noel  Bacolod Jr., 19, sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanyang kanang balikat.  Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Anam Dammang, vice mayor ng Mabuhay matapos ang insidente. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-8:30 ng gabi nang makabangga ng alkalde ang biktima na nauwi sa pagtatalo. Nairita ang vice mayor at binaril ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng armas.

vuukle comment

NOEL BACOLOD JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with