^

PSN Showbiz

Aktres mas mabilis tumanda sa rami ng injection sa mukha!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Aktres mas mabilis tumanda sa rami ng injection sa mukha!
Alice Dixson

Sobrang ganda ng isang aktres nu’ng kanyang kabataan. Parang walang mali sa kanyang itsura, wala siyang anggulo kung tutuusin, lahat ng retrato niya ay umaayon sa kanyang kagandahang natural.

Sabi nga ng mga nakakakita sa kanya ay perfect kuno ang kumbinasyon ng kanyang inang Pinay at amang banyaga. Hulmado ang kanyang itsura, wala ka nang hahanapin pa, ganu’n ang paglalarawan sa magandang aktres.

Pero pagkatapos nang maraming taon ay unti-unting nagbago ang kanyang itsura. Maganda pa rin siya pero nawala na ang kagandahang natural na hinangaan sa kanya ng publiko.

Kuwento ng aming source, “Naniwala kasi siya sa sinasabi ng mga friends niya na dapat daw, para maalagaan niya ang itsura niya, e, magpaalaga na agad siya sa mga beauty consultant.

“Hindi raw dapat lumaylay ang skin niya, kailangan daw, mataas pa rin ang cheekbone niya. Maraming advise ang mga kaibigan niya. So, ganu’n nga ang ginawa niya. Kung anu-ano nang gamot ang ipinasaksak niya para raw hindi siya tumanda.

“Masyado siyang naniwala sa mga kausap niya, nagpagawa siya ng kung anu-ano sa face niya, samantalang wala pa namang nagbabago sa ganda niya. Ang mga kasabayan niya na hindi naman nagpagalaw ng face, beautiful pa rin!

“Napag-iwanan tuloy siya. Mukha siyang tumanda, nagkahumpak ang pisngi niya dahil sa injection, maraming nagbago sa itsura niya,” seryosong kuwento ng aming impormante.

Maganda pa rin naman ang aktres pero malaking-malaki na ang ipinagbago ng kanyang itsura. Nagkaroon tuloy siya ng insecurity, umiiwas na siya sa showbiz, piling-pili na ang mga okasyong dinadaluhan niya.

“Matindi ang insecurity niya ngayon. Kapag napapanood nga niya ang mga ka-contemporary niya, e, parang nagsisisi siya kung bakit agad siyang natakot na tumanda siya.

“Instead kasing bumata, ang feeling niya, e, mas tumanda pa nga siya dahil sa nangyari sa face niya. Hindi lang niya sinasabi, pero siguradong nagsisisi siya, pinanghihinayangan niya ang natural beauty niya,” madiin pang kuwento ng aming source.

Ubos!

Alice Dixson hindi nababawasan ang ganda

Malapitang nakita ng mga kaibigan namin si Alice Dixson sa katatapos lang na Miss Universe Beauty Pageant. Para sa kanila ay walang kupas ang itsura ng aktres.

“Ang ganda-ganda pa rin niya, lalo na ang eyes niya, beauty queen siya in her own right. Palangiti pa siya, she says hello to everyone, kaya mas gumaganda siya,” komento ng isang friend namin.

Nadagdagan lang ang timbang ni Alice, pero ang gandang naging puhunan niya ay hindi kumukupas, kaya naman kahit mga bagets na kalalakihan ang tanungin kung sino ang gusto nilang makasama sa isang panandaliang kaligayahan ay si Alice Dixson ang maririnig mong sagot.

Nakita na naming humagulgol si Alice nang ipagtapat niya sa amin ang sitwasyon ng relasyon nila ng kanyang mister nu’n, halu-halo ang kanyang luha, pawis at sipon habang umiiyak, pero ang mas umagaw ng aming atensiyon ay ang kanyang itsura.

Ang natural palang maganda, kahit pa ano ang gawin, ay maganda pa rin. Namumula lang ang kanyang ilong at namumugto ang kanyang mga mata sa sobrang pag-iyak, pero napakaganda pa rin ni Alice Dixson.

Problemado pa siya nu’ng mga panahong ‘yun. Nakasalang pa sa husgado ang divorce papers nilang mag-asawa sa Canada, hindi niya alam ang kanyang gagawin, pero hindi ‘yun nakabawas sa kanyang itsura.

Kunsabagay ay tunay namang reyna si Alice dahil nanalo siyang Bb. Pilipinas-International nu’ng 1986, lutang na lutang ang kanyang ganda kumpara sa iba pang mga kandidata, kagandahang bitbit pa rin niya hanggang ngayon.

Pahabol pa ng aming kaibigan, “Napakasimple lang ni Alice. Naka-black dress lang siya at native necklace, ‘yun lang! Pero ang ganda-ganda pa rin niya, ramdam mo ang kagandahan niya na ageless talaga.”

Mismo!

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with