^

Bansa

PNP officer inireklamo ng rape

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahaharap ngayon sa kasong kriminal at administratibo ang 29-anyos na opisyal ng pulisya matapos itong akusahan ng rape ng isang babaeng nagtratrabaho sa pabrika sa Calamba City, Laguna, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng  pulisya na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang akusadong opisyal na si P/Inspector  Aaron Cabillan ng Regional Public Safety Battalion at nakatalaga sa Regional Intelligence Division.

Ayon kay P/Supt. Chitadel Gaoiran, spokesperson ng PRO IV-A, si Cabillan ay inaresto ng mga nagpa­patrulyang tauhan ng Calamba City Police noong Lunes ng gabi matapos na maaktuhan itong hubo’t hubad kasama ng babaeng biktima sa loob ng  nakaparadang sasakyan sa gilid ng kilalang mall sa Brgy. Canlubang.

Dito na humingi ng tulong sa mga operatiba ang biktimang itinago sa pangalang Melissa na nagsabing  puwersahan siyang ginahasa ng suspek.

Sa salaysay ng  nasa­bing ginang, dakong alas-11 umano ng gabi habang naghihintay siya ng masasak­yan pauwi sa Brgy. Paciano nang mapadaan si Cabillan at puwersahan itong pinasakay sa kaniyang sasakyan.

Ayon sa ginang, wala siyang nagawa matapos na umano’y tutukan ng baril ng suspek saka halayin hanggang sa masaklolohan ng  mga nagpapatrulyang ope­ratiba ng pulisya.

vuukle comment

P/INSPECTOR AARON CABILLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with