^

Police Metro

Maynila hindi magtataas ng buwis

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Maynila hindi magtataas ng buwis
Nilagdaan nitong Lunes, Enero 23, ni Estrada ang Ordinance No. 8516 na nagkakansela sa nakatakdang 40 porsyentong muling pagtaas ng RPT na karugtong sana ng 60 poryentong pagtaas na ipinatupad noong 2013.
File photo

MANILA, Philippines -  Tuluyan nang pinigil ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang mu­ling pagtaas ng real pro­perty tax matapos niyang maiangat ang lungsod sa pagkakautang.

Nilagdaan nitong Lunes, Enero 23, ni Estrada ang Ordinance No. 8516 na nagkakansela sa nakatakdang 40 porsyentong muling pagtaas ng RPT na karugtong sana ng 60 poryentong pagtaas na ipinatupad noong 2013.

Ayon kay Estrada, hindi na kailangan ng panibagong pagtaas dahil may sapat nang pondo ang pamahalaang lungsod.

“We are debt-free now, that’s why pinatigil ko na pagtaas ng real property tax natin. Nakabayad na tayo ng mga utang,” pahayag ni Estrada.

Tinutukoy nito ang P5.5-bilyong utang na iniwan ng nakaraang administrasyon nang umupo siyang mayor noong 2013.

“Bangkarote ang lungsod noon kaya wala akong ibang paraan kundi magtaas ng buwis,” paliwanag ni Estrada.

Sa isinagawang botohan nitong Enero 10, ipinasa ng Sangguniang Panglungsod sa ikatlong pagbasa ang Ordinance No. 8516 na pormal na nagkakansela sa naturang pagtaas muli ng RPT sa lungsod.

vuukle comment

MANILA MAYOR JOSEPH ‘ERAP’ ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with