^

Kutob

Enero 10, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Gaano man kadami ang dapat asikasuhin, sa kalakasang kaloob ng Maykapal lahat ay mapagtu­tuunan ko. I can beat deadlines!

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung may nawalang gamit sa tahanan, walang ibang kumuha kundi kasamahan. Kung alahas o pera ang nawala, malabo nang maibalik. Kapag umalis ng bahay, huwag magsuot ng mahalagang alahas o magdala ng malaking pera. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 30, 37 at dark blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Nasa tamang landas ang kaunlaran kaya lang ang paminsan-minsan na negatibong pag-iisip ay tinik na magpapabagal sa dating ng grasya. Maging positibo at tiyak mabilis ang positibong resulta. Kung ano ang binabalak gawin, sugod at simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 23, 37, 40, 45 at emerald green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Labanan ang ma­ging masungit at magagalitin dahil hahadlangan ang lumalandas na suwerte. Kung magiging mahinahon kahit may suliranin, ang tamang solusyon ay madaling mahahagilap. Malamang mababayaran ang pagkakautang. Lucky numbers at color for the day ay 29, 31, 38, 43 at oak brown.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Walang problema sa pag-ibig. Magaan ang pakiramdam subalit bigyang pansin ang kapakanan ng kalusugan, dahil mahina ang resistensiya. Iwasan ang pag-abuso sa kalusugan. Tamang pahinga at pagkain ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 33, 44 at light yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Sipag at matinong pag-iisip ang puhunan para umunlad. Ang madalas na pagwawalang bahala ay baguhin. Kung makakarinig ng salita laban sa sarili, mabuting huwag mag-react para makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 24, 38 at purple. 

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ngayon makaka­tagpo ang soulmate o twin-flame. Kung sakaling muling tumibok ang puso, siya na nga ang perfect partner. Kung may magsisimulang manligaw, gawan ng paraan na hindi makawala dahil siya na ang prince charming mo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 25, 34 at peach.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Walang sigu­rado sa negosyo. Akyat baba ang benta subalit huwag mawalan ng pag-asa dahil makakabawi. Iwasan ang mangutang o magpautang. Tutukan ang budget nang ma­pagkasya ang mga kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 23, 32, 43 at red.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang balak sa pagba­biyahe ay ipagliban dahil malapit ka sa aksidente ngayon. Kung ang trabaho ay nasa labas ng bahay mag-ingat  at iwasan na maglakad kung walang mahalagang sadya. Lalong mainam kung ang gawaing bahay ang pag-uukulan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 28, 36 at peral white.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung may hini­hintay, darating maliban kung tungkol sa pag-ibig at pera. Upang hindi magsisi, ang gagawing desisyon ay pag-isipan at pag-aralan nang mabuti bago isagawa. Susubukan ang iyong pagtitimpi sa pinapasukan o sa tahanan na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 42 at lilac.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – May oportunidad na darating kaya tiyakin na laging bukas ang linya ng komunikasyon upang hindi makaalpas. Kung may pinag-usapang transaksiyon sa nakaraan, ngayon mabubuo. Ang desisyon kung gagawin ngayon ay walang palpak. Lucky numbers at color for the day ay 5, 21, 29, 42 at tangerine.  

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Abala sa pinapasukan at maging sa tahanan. Daranasin ang kapaguran sa gabi subalit kaligayahan ang mada­rama dahil sa dami nang matatapos. May suliranin tungkol sa anak, subalit madaling matutugunan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 38, 40 at fuchsia.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung gipit sa pinansiyal, madaling matutugunan ng kamag-anak o kaibigan. Makakaasa ng tulong sa ka­ibigan o kamag-anak. Kung sagana, ikaw ang makakapagbigay ng tulong. May dahilan para makapagpalago. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 32, 42 at beige.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with