^

PSN Showbiz

Ara naduwag sa emote na pag-ayaw sa isang serye!

LOOKING ASKANCE - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Deleted na sa Instagram (IG) ang post ni Ara Mina na magku-quit na siya sa hindi binanggit na show, pero nalaman agad ng mga nakabasa na ang Afternoon Prime ng GMA-7 na Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Maging ang sagot nito na hindi ang Star Cine­ma movie na My Ex and Whys nina Enrique Gil at Liza Soberano ang kanyang tinukoy.

Kaso, marami na ang nakabasa sa post niya at nabanggit na na-experience niya ang pinaka-disappointing na pangyayari sa career niya. Ngayon lang daw siya na-slight and devalued in her life. Kaya gusto niyang mag-quit sa hindi pinangalanang show.

Ang bagong post ni Ara ay quotation na “Maybe sometimes the hardest decisions we have to make are ones that God wants us to make ourselves.”

Ang gustong malaman ng followers ni Ara ay kung kusa niyang dinelete ang post tungkol sa disappointment niya sa show o may kumausap sa kanya to delete it.

This week na yata ang presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, tiyak na matatanong si director Gina Alajar at ang productin staff sa post ni Ara.

Aktor na pinaghihinalaang berde ang dugo nanlilinlang ng followers

Usap-usapan din sa IG ng isang sexy star (SS) ang pagla-like ng isang aktor sa sexy photo nito. Pinagdududahan kasi ang gen­der ng aktor, pero sa pagla-like niya sa sexy photo ni SS, nawala ang pag­dududa ng marami sa kanya.

Hindi raw pala beki ang aktor dahil marunong mag-appreciate ng kaseksihan ng isang babae. Hindi raw ila-like ng aktor ang picture kung beki siya, pero may mga nag-react pa rin at baka raw ni-like lang nito ang picture ni SS para hindi na pagdudahan ang kasarian niya.

Hindi na lumilitaw ang pangalan ng aktor sa mga nag-like sa sexy picture ni SS.

Ryza sobrang kinabubuwisitan na

Kinailangan nang manawagan ni Ryza Cenon sa social media ng “To All Georgia’s Haters Thank You For All Your Support! Don’t Hate Me, Hate Georgia” dahil marami na ang nagagalit sa kanya sa pagganap na Georgia sa Ika-6 Na Utos.

Pati sa social media account ng boyfriend ni Ryza na si Pocholo Barretto ay may mga nagsumbong na kabit si Ryza ni Gabby Concepcion. May nag-comment pang may BF na pala siya, at bakit nang-aagaw pa ng asawa ng iba.

Baguhang Kapuso actor, BF ni Anna Maria Perez de Tagle

Hindi natanong ang apat na leading men ni Barbie Forteza sa presscon ng Meant To Be ng kanilang status. Maganda sanang malaman kung single o may GF sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Rober­to.

Gustong malaman ng fans kung totoo ang tsikang magdyowa si Ivan at Anna Maria Perez de Tagle, apo ni Sylvia Latorre. Maraming pictures ang dalawa sa IG ni Ivan at may picture sila na kasama sina James Reid at Nadine Lustre.

Anyway, mamayang gabi na, pagkatapos ng Alyas Robin Hood ang simula ng airing ng Meant To Be sa direction ni LA Madridejos.

Ginagampanan ni Ivan ang role ni Ethan, isang Fil-Brit, but in real life, American siya. Hindi namin naitanog kay direk LA kung British English ba ang accent ni Ivan when delivering his English lines.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with