^

Probinsiya

Tulak dedo, 1 tiklo sa drug trade

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tulak dedo, 1 tiklo sa drug trade
Sinusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang ilang drug paraphernalia at baril na ginamit sa shootout ng drug pusher na nakabulagta matapos na lumaban sa mga tauhan ni P/Supt. Raniel Valones sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Caypombo, bayan ng Santa Maria, Bulacan.
Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Napatay ang isang drug peddler habang nasakote naman ang babaeng kasabwat nito ang naaresto ng pulisya matapos ang magkasunod na buy-bust operation sa Barangay Caypombo, ba­yan ng Santa Maria, Bulacan noong Sabado ng gabi. Dalawang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Jay-R “Kosa” Salvador habang arestado naman si Romella Borja, dating pasyente sa drug rehabilitation center. Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Raniel Valones nagpanggap na poseur-buyer ang isang pulis kasama ang confidential agent para bumili ng shabu kay Borja kung saan hindi ito nakapalag makaraang arestuhin. Samantala, nakatunog naman si Salvador sa inilatag na buy-bust operation kaya ito kumasa at tinangkang magpaputok subalit naging maagap ang mga pulis kaya ito napatay. Narekober sa dalawang operasyon ang 9 plastic sachet ng shabu, dalawang P500 marked money, cal.38 revolver, at mga bala.

vuukle comment

DRUG TRADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with