^

PSN Showbiz

Mga kongresista gustong mag-artista, todo papansin sa imbestigasyon kay Ronnie Dayan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Mother Lily gamit na gamit ni Mercedes para pag-usapan ang pelikula sa MMFF! Jed tsugi sa trabaho dahil wala pang anak, Rufa Mae ikakasal ngayon

SEEN: Hindi nakakatawa ang biro ng isang nagpa-cute na congressman tungkol sa TL o Tita Leila na tawag ng anak na babae ni Ronnie Dayan kay Senator Leila de Lima. Very unbecoming ang biro ng congressman na baka Tulo Laway o True Love ang kahulugan ng TL.

SCENE: Kanya-kanyang eksena ang mga kongresista sa imbestigasyon kahapon ng Kongreso kay Ronnie Dayan, ang da­ting driver at boyfriend ni Senator Leila de Lima, dahil alam nila na live sila na napapanood sa telebisyon. #Grandstanders.

SEEN: Gamit na gamit ni Mercedes Cabral si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. Hindi nararamdaman ang indie movie ni Mercedes na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 kaya kailangan niya na mag-ingay, at the expense of Mother Lily.

SCENE: Kalokalike ni Lauren Young ang Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Edward Barber na may pretty face kaya napagkakamalan na tomboy.

SEEN: Hindi kinuha si Jed Madela bilang judge ng Your Face Sounds Familiar: Kids ng ABS-CBN dahil mga magulang na hurado ang kailangan. Si Ogie Alcasid ang ipinalit kay Jed at makakasama nina Sharon Cuneta at Gary Valenciano sa unang edition ng Your Face Sounds Familiar: Kids.

SCENE: Ngayon ang Christian wedding ni Rufa Mae Quinto at ng kanyang Fil-Am fiancé na si Trevor Magallanes sa Blue Leaf Events Place.

SEEN: Sa December 8 ang taping ng Christmas Special ng GMA-7 na lalahukan ng lahat ng mga artista na may programa sa Kapuso Network.

SCENE: Si Billy Crawford ang host ng dalawang reality competition program ng ABS-CBN na mapapanood sa 2017, ang Your Face Sounds Familiar: Kids at Dancing With The Stars Philippines.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with