^

Metro

Rape suspect utas sa pulis

OH YES, IT'S JOHNNY! - Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki na itinuturong nanggahasa sa isang ginang at nagnakaw sa tahanan nito makaraang makipagbarilan sa mga umaarestong pulis sa ikinasang operasyon, Miyerkules ng hapon sa Valenzuela City.

Nakilala ang napaslang na suspect na si Elmer Galang, alyas Palos/Utal, 28, at residente ng Matimyas St., Brgy. Pinalagad, Malinta, ng naturang lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling araw noong Martes nang looban ng suspek ang bahay ng biktimang itinago sa pangalang Paula at tinangay ang halagang P2,000. Hindi pa nakuntento sa ninakaw, puwersahang ginahasa ng suspek ang ginang na tinakot na papatayin maging ang anak kung hindi siya pagbibigyan.

Agad na iniulat ng biktima ang pangyayari sa Valenzuela City Police na nagsagawa ng imbestigasyon. Nakatanggap ng tip ang pulisya sa kanilang mga asset sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek kaya nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Detective Management Unit sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Rodrigo Albayalde.

Dakong alas-12:30 ng hapon nang maispatan ng mga pulis si Galang sa may Area 4 Dumpsite, Brgy. Pinalagad Malinta. Nagkaroon ng habulan at nang malapit nang makorner ay pinaputukan ni Galang ang mga pulis na gumanti naman at nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Narekober ng mga pulis sa posesyon ng suspek ang isang kalibre .38 baril, mga napaputok na cartridges ng bala, at dalawang piraso ng plastic sachet ng naglalaman ng hinihinalang shabu. Base sa record ng Station Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) na kabilang sa “drug watchlist” ang napaslang na suspek.

vuukle comment

RAPE PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with