^

Police Metro

2 pusher dedo sa drug ops

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga operatiba ng Manila Police District-Station 11 sa isang drug operations ang dalawang lalaki na umano ay drug pusher kahapon ng tanghali sa Binondo, Maynila.

Ang mga nasawi ay kinilalang  sina Jessie Castro at Ronnel Calahatian, kapwa nasa hustong gulang  at kapwa residente ng Sevilla St., Binondo.

Bago naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga ay tinungo ng mga pulis ang drug den sa Sevilla St., matapos  kumpirmahin ng kanilang impormante na may nagaganap na pot session.

Pagdating sa lugar ng mga pulis ay agad umanong pinaputukan ni Calahatian ang isang pulis na tinamaan kung kaya’t gumanti ang mga otoridad ng putok at nasapol ang dalawang suspek.

Isinugod pa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang dalawang suspek, subalit hindi sila u­mabot ng buhay.

Nasamsam sa crime scene ang dalawang kalib­re 38 baril, shabu at drug paraphernalias.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with