^

Probinsiya

5 drug peddlers utas sa shootout

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumulagta ang limang notoryus na drug peddlers makaraang makipagbarilan sa arresting team ng pulisya sa inilatag na magkahiwalay na buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite;  Calamba City, Laguna at Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagsagawa ng buy-bust ope­ration ang mga operatiba ng Calamba City PNP laban sa mga suspek na sina Marlon Malabo at Alyas Buloy ng Barangay Banlic.

Gayunman, nakatunog sina Malabo at Buloy sa operasyon na isinagawa sa Purok 6, Villa Palao sa Brgy. San Cristobal kaya kumasa at tangkang makipagbarilan subalit naunahan sila ng arresting team ng pulisya.

Narekober ang dalawang cal. 38 revolver, 3-plastic sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia.

Samantala, napatay din sa buy-bust operation ng pulisya ang mga suspek na sina Joey Sibucao, 46; at Francisco Luyao, 31, kap­wa nakatira sa St. Scholastic St.,  Addas 2, Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Narekober naman ang dalawang cal .38 revolver, mga bala, 9 plastic sachet ng shabu, at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Sa Barangay Cut-cut sa Angeles City, Pampanga ay napaslang din ang sinasa­bing notoryus na drug peddler na si Ricardo Santos matapos itong kumasa sa arresting team ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation noong Lunes ng gabi.

Narekober kay Santos ang  cal. 22 revolver, isang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with