^

PM Sports

UST Beach volleyball team nagsubi ng double title sa UAAP

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi natinag sa na-tamong pagkabigo sa Game 2 ng finals kahapon ng umaga ang pares nina Cherry Rondina at Jem Gutierrez upang ganap na makamit  muli ang titulo sa women’s division ng UAAP Season 79 beach volleyball tournament sa SM Sands by the Bay.

Bigo ang Tigresses na kumpletuhin ang  sweep ng torneo makaraang  matalo, 21-17, 16-21, 13-15 sa tambalan nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza ng Far Eastern University kahapon ng umaga.

Pero pagdating  ng winner-take-all Game Three ng finals series, hindi na nagpatinag ang Tigresses at tuluyang pinayukod ang Lady Tamaraws, 21-17, 21-10 para maiuwi ang titulo, ang ika-apat nila sa liga  na nagluklok din sa UST bilang  most winningest squad sa women’s division kasunod ang dating katablang Adamson na may tatlo.

Muling nahirang  na MVP si Rondina  sa ikalawang pagkakataon matapos makopo ang naturang award noong Season 77.

Sa men’s division, pagkalipas ng tatlong beses na pagiging runner-up, nagkampeon din sa wakas ang  Tiger Spikers  nang kumpletuhin ng tambalan nina Kris Roy Guzman at Anthony Arbasto  ang sweep kontra  sa Far Eastern University tandem nina Jude Garcia at Jeremiah Barrica, 21-16, 21-16.

Nakumpleto din ng UST ang 9- game sweep sa torneo mula sa  elimination round.

Nagwaging MVP ng season ang team captain na si  Guzman matapos pangunahan ang UST  sa pagpatas sa  FEU at National University na mayroong tig-tatlong men’s beach volley crowns.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with