^

PM Sports

Mighty Sports pasok sa finals

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagtuwang sina Kiefer Ravena at Joseph Yeo sa dulo ng fourth quarter para tulungan ang Mighty Sports-Philippines na kunin ang dramatikong 72-70 panalo laban sa Singapore Slingers at umabante sa finals ng Merlion Cup sa OCBC Arena noong Sabado ng gabi.

Matapos kunin ng Slingers ang 68-67 abante ay nagsalpak si Ravena ng isang reverse layup para ibi-gay sa Mighty Sports ang 69-68 bentahe sa huling 1:15 minuto ng final canto.

Ang three-point shot naman ni Yeo ang tuluyan nang naglayo sa koponan ni coach Charles Tiu sa 72-68.

Huling naghamon ang Slingers sa 70-72 agwat sa natitirang 21 segundo at nagkaroon pa ng tsansang maagaw ang panalo sa Mighty Sports kundi lamang natawagan ng double-dribble violation sa sumunod nilang posesyon.

Pinangunahan ni import Dewarick Spencer ang Mighty Sports sa kanyang 29 points.

Nakatakdang labanan kagabi ng Mighty Sports, nagkampeon sa nakaraang Jones Cup sa Taiwan noong Hulyo, ang Shanghai Sharks para sa korona ng Merlion Cup.

Umiskor si Spencer, ang hinirang na Most Valuable Player ng Jones Cup, ng 17 points para ibangon ang Mighty Sports mula sa nine-point deficit sa third period at ilista ang kanilang 56-55 bentahe sa third period.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with