^

Police Metro

Tandem patay sa police checkpoint

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang nasawi nang makipagbarilan sa mga pulis na nakatalaga sa checkpoint kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa dalawang napatay na suspek.

Bago ang insidente dakong alas-11:20 ng gabi ay nakatanggap ang  Caloocan City Police ng tawag mula  emergency hotline 911 na may insidente pamamaril sa Tanigue St., Dagat-Dagatan.

Rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-2 hanggang sa makita ang mga suspect na armado ng baril habang lulan ng isang motorsiklong walang plaka na mabilis ang takbo patungong C-3 Road.

Pagsapit sa panulukan  ng Pamasawata at  C-3 Road ay bigla na lamang umanong pinaputukan ng mga suspect ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint kung  kaya’t napilitang gumanti ng putok ang mga ito na nagresulta ng pagkasawi ng  mga suspek.

Narekober ng mga pulis ang ilang basyo ng bala ng baril, apat na  sachet ng pinaniniwalaang shabu, 1 kalibre .38 baril, 1 kalibre .45  baril at ang gamit ng mga nasawi na SYM motorcycle na walang plaka.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with